Hulyo 19, 2011 – binasbasan ni Rev. Father Jojo Dela Rosa ang pagbubukas ng Botika ng Bayan kung saan ang mga mamamayan ay makabibili ng mabisa at abot kayang mga gamot. Ito’y bukas tuwing araw ng Lunes hanggang Biyernes mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon at matatagpuan sa P. Paterno St. Brgy. Maytoong sa likod mismo ng Rural Health Center. Pinag-aaralan ng Sangguniang Bayan kung posibleng mabuksan ito ng 24/7 upang lalong makapaghatid ng ibayong serbisyo sa mga mamayayan. Ayon sa PITC Pharma, ang supplier ng gamot na akreditado ng DOH, ang Paete ang kauna-unahang Munisipyo na biniyayaan ng karapatang magtayo ng Botika ng Bayan. Ito’y karaniwang sa pribadong sektor at mga Ospital ipinagkakaloob.
Isinabay na rin ang pagbabasbas sa mga kagamitang pang-kalamidad na ipinamahagi sa siyam (9) na Barangay. Ang mga pinamiling kagamitan ay ang mga sumusunod:
10 megaphones
10 helmets
9 search lights (10 million candle power)
22 handheld radios
10 waterproof flashlights
10 first aid kits
1 power saw
Ang mga nasabing kagamitan ay gagamitin ng rescue team ng Municipal at Barangay Disaster Risk Reduction Management Council. Lahat – lahat ay nagkakahalaga ng P326,862.00 na nagbuhat sa 5% calamity fund sa bisa ng isang resolusyong pinagtibay ng Sangguniang Bayan.
Pls. see pictures :
http://paete.org/forums/viewtopic.php?t=11285
Sa atas ng Punong-Bayan Kgg. Emmanuel B. Cadayona
Mhey Bagalso
Rev. Officer II detailed at Mayor’s Office
You must be logged in to post a comment.
You must log in to post a comment.