KODIGO NG PAGIGING ISANG RESPONSABLENG MAGULANG AT MAMAMAYAN (KODIGO NG PAETE)

On October 8, 2012 by admin

Ang Kodigo ng Paete ay pinagtibay ng Kgg. Sangguniang Bayan sa pamamagitan ng Resolusyoon Blg. 068 T. 2012 kung saan nakapaloob ang Ordinansa Blg. 2012-310-Ordinansa ng Kodigo ng Isang Mabuti at Matuwid na Pamamahala, Maganda, Mapayapa, Malinis at Maunlad na Pamayanan; Marangal, Responsable at Maka-Diyos na Mamamayan; may disiplina at mabuting kabataan; at maayos na ugnayan ng Pamahalaan at lahat ng sektor ng lipunan at iba pang may kaugnayan dito noong ika-16 ng Hulyo, 2012.

Narito po ang sipi ng Kodigo ng Paete:

KODIGO NG PAGIGING ISANG 
RESPONSABLENG MAGULANG AT MAMAMAYAN 
(KODIGO NG PAETE) 

PASINAYA

Kaming mga mamamayan ng Bayan ng Paete, na humihingi ng gabay at pagpapala ng Panginoong Diyos, upang magkaroon ng isang pamayanang maunlad, mapayapa, at may pagmamahal sa Diyos sa bayan at sa kapwa, at upang maisiguro sa aming mga sarili na ito’y mananatili hanggang sa mga susunod na saling-lahi at makamit ang pagpapala na bunga nito; ngayon ay nagpapahayag at nagpapatibay ng isang “KODIGO NG PAGIGING ISANG RESPONSABLENG MAGULANG AT MAMAMAYAN”.

KASIHAN NAWA KAMI NG PANGINOONG DIYOS.

PAUNANG SALITA

Ang kakulangan ng disiplina, malubay na pagpapatupad ng batas at kawalan ng responsibilidad ng mga magulang at ng mga mamamayan sa pangkalahatan, ang siyang pangunahing dahilan sa mabagal na pag-unlad ng isang pamayanan. Layunin ng KODIGONG ito na mabigyang-diin ang pagkakaroon ng disiplina sa pamamagitan ng maigting na pagpapatupad ng mga umiiral na batas at ordinansa, at maiukilkil sa kaisipan ng lahat ang kahalagahan ng pagiging isang responsableng mamamayan.

Layunin ng Kodigong ito na ituro sa mga mamamayan sa pamamagitan ng radyo, pahayagang pambayan at mga talakayan sa bawat Barangay ang katungkulan at pananagutan ng isang mabuting mamamayan. Bukod sa tamang disiplina at kahalagahan ng pagsunod sa mga umiiral na batas, ay bibigyang diin ang responsibilidad ng mga magulang sa pagpapaaral ng kanilang mga anak; ang pagpapataas ng antas ng moralidad na magmumula sa pamilya; at ang tamang pagpaplano ng pamilya.
Ang kodigong ito ay hindi permanente, bagkus ay maaaring baguhin sang-ayon sa hinihingi ng panahon.

May lagda ang orihinal
EMMANUEL B. CADAYONA 
Punong–Bayan

KAUTUSANG BAYAN BLG. 310 T-2012 

KODIGO NG ISANG MABUTI AT MATUWID NA PAMAMAHALA, MAGANDA, MAPAYAPA, MALINIS AT MAUNLAD NA PAMAYANAN; MARANGAL, RESPONSABLE AT MAKA-DIYOS NA MAMAMAYAN; MAY DISIPLINA AT MABUTING KABATAAN; MAAYOS NA UGNAYAN NG PAMAHALAAN AT LAHAT NG SEKTOR NG LIPUNAN AT IBA PANG MAY KAUGNAYAN DITO. 

UNANG TITULO
PAMAGAT, LAYUNIN AT SAKLAW NG PAGPAPAIRAL

SEKSYON 1. MAIKLING PAMAGAT. Ang Kautusang Bayang ito ay kikilalanin at tutukuyin na “Kodigo ng Bayan ng Paete.”

SEKSYON 2. PANGKALAHATANG LAYUNIN. Isa sa pinakamahalagang katungkulan ng lokal na pamahalaan tulad ng Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna, ay ang magsilbi bilang pangkalahatang layunin ng pamahalaan para sa pag-uugnay at pagdudulot ng mga pangunahin, regular at tuwirang paglilingkod at mabisang pamamahala ng mga naninirahan sa loob ng kaniyang hurisdiksyong teritoryal.

Bilang pagtupad sa nasabing katungkulan, ang Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna, sa pamamagitan ng Sangguniang Bayan, Punong Bayan at “Lupon ng Pagiging Isang Responsableng Magulang at Mamamayan”, ay bumalangkas at nagsabatas ng mga Kautusang Bayan na naglalayong makapagdulot ng mga pangunahin, regular at tuwirang paglilingkod at mabisang pamamahala, tungo sa ikauunlad ng bayan at ng mamamayan.

Upang maging lalong epektibo ang pagpapatupad ng mga Kautusang Bayan na napagtibay na, ang mga ito ay inipon sa pamamagitan ng Kodigong ito, kasama ang ilang Kautusang Bayan na dito ay pinagtitibay rin, sa lalong ikauunawa ng mga mamamayan at mga mag-aaral ng kasaysayan at lipunan.

SEKSYON 3. SAKLAW NG PAGPAPAIRAL. Ang Kodigong ito ay ipaiiral sa lahat ng barangay at lugar na nasasakupan ng bayan ng Paete, Laguna, at sa abot ng mga itinatadhana nito, sa mga opisyal, tanggapan o ahensiya ng pamahalaang bayan, panlalawigan o pambansa.

IKALAWANG TITULO 
PAGPAPATALA NG LAHAT NG BATA NA ISINILANG 
SA BAYAN NG PAETE, LAGUNA 

SEKSYON 4. PAGPAPATALA NG ISINILANG NA BATA. Katungkulan ng mga magulang na ipatala ang kanilang mga supling sa Tanggapan ng Local Civil Registry, batay sa mga sumusunod na patakaran:

Una. Sa nilolooban ng tatlumpung (30) araw mula sa pagsilang ng bata, kinakailangang ipatala ng magulang o sinumang may kinalaman sa pagluluwal ng bata, tulad ng hilot o kinauukulang kawani ng ospital na kung saan isinilang ang bata, sa Tanggapan ng Local Civil Registry;

Pangalawa. Ang pagpapatala ay sa pamamagitan ng official form na makukuha sa Tanggapan ng Local Civil Registry;

Pangatlo. Ang pagpapatala ay may kaukulang kabayaran batay sa patakaran ng Tanggapan ng Local Civil Registry.

SEKSYON 5. MGA NAHULING PAGPAPATALA. Lahat ng mga batang isinilang na hindi naipatala ay kailangang ipatala sa loob ng tatlumpung (30) araw mula sa pagkapatibay ng Kodigong ito, nang
walang multa, ayon sa patakaran ng Tanggapan ng Local Civil Registry. Subalit kung lumampas ang nasabing takdang panahon at hindi pa rin ipinatala ang mga hindi rehistradong mga bata na isinilang sa Bayang ito, ay papatawan ng karampatang butaw ang mga magulang na hindi sumunod sa Kautusang ito. Ang halaga ng butaw ay sang-ayon sa patakaran ng Tanggapan ng Local Civil Registry.

SEKSYON 6. KATUNGKULAN NG MGA PUNONG- BARANGAY- Katungkulan ng lahat ng Punong-Barangay na magkaroon ng talaan sa kanikanilang barangay na nasasakupan ng mga isinilang na mga bata na hindi pa rehistrado at tulungan ang mga magulang na maipatala ang kanilang pagsilang. Sa mga bagong silang na mga bata sa nasasakupan nilang barangay, obligasyon din ng mga Punong-Barangay na masiguro na maitala ang mga ito sa panahong itinakda dito.

SEKSYON 7. KATUNGKULAN NG LOCAL CIVIL REGISTRAR- Ang Local Civil Registrar ay magsasagawa ng kaukulang panuntunan kaugnay ng maayos na pagpapatupad ng nakasaad sa itaas nito at ng iba pang batas o kautusan na may kaugnayan dito sa nilolooban ng tatlumpung (30) araw mula sa pagkapatibay ng Kodigong ito.

IKATLONG TITULO 
PAGPAPAARAL NG BATA 

SEKSYON 8. KATUNGKULAN NG MGA MAGULANG, TAGAPANGALAGA O SINUMANG MAY KUSTODIYA NG BATA NA NASA EDAD NG PAG-AARAL- Sa ilalim ng umiiral na batas ng Republika ng Pilipinas, obligasyon ng magulang, o guardian o sinumang may kustodiya ng bata na nasa edad ng pag-aaral, na papag-aralin ito sa publikong paaralan, lalo’t higit na libre ang pag-aaral sa pampublikong paaralang elementarya at sekondarya. Ang obligasyong ito ay simula na kung ang bata ay umabot na ng hustong gulang na itinatadhana ng batas hanggang sa siya ay makatapos sa paaralang sekondarya. Ang sinumang magulang na hindi tumutupad sa kanilang obligasyon sa ilalim ng probisyong ito ay hindi makakatanggap ng anumang pantawid tulong pangkabuhayan mula sa pamahalaang bayan o pamahalaang panlalawigan at nasyonal.

SEKSYON 9. KATUNGKULAN NG TANGGAPAN NG MUNICIPAL SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT- Ang Tanggapan ng Municipal Social Welfare and Development ay magsasagawa ng programa at patakaran ukol sa mga sumusunod:

Pagbibigay ng komprehensibong hasik-pandayan sa pakikipag-ugnayan sa mga Punong-Barangay upang maipaabot sa lahat ng mga magulang ang obligasyon nila sa pagpapaaral ng kanilang mga anak;
Magsagawa ng talaan ng mga batang hindi nag-aaral at antas ng kanilang edukasyon, kasama na ang kanilang pangalan, edad, kasarian, tirahan, hanap-buhay at pinagkakakitaan ng kanilang mga magulang, mga pag-aaari kung mayroon at iba pang mahahalagang impormasyong kaugnay ng pamilya ng bata; at alamin ang mga pamilyang walang kakayahan o hindi sapat ang kakayahang magpaaral ng kanilang anak;
Magbigay ng rekomendasyon sa Punong-Bayan at magsagawa ng isang programa ukol sa kung papaano matutulungan ang mga magulang na walang sapat na kakayanan na mapag-aral ang kanilang mga anak; at
Magsagawa ng programa sa pakikipag-ugnayan sa mga Punong Barangay upang mapatibay at mapalaki ang mga day-care centers na ngayon ay umiiral para sa pre-school education ng mga bata.

SEKSYON 10. KATUNGKULAN NG LOCAL SCHOOL BOARD. Ang Local School Board ay maglalaan ng pondo mula sa Special Education Fund para sa pagbibigay ng tulong pinansyal sa mga magulang na walang sapat na kakayahang pananalapi sa pagpapaaral ng kanilang mga anak o magsagawa ng programa para matulungan ang mga batang hindi nakapag-aral subalit lampas na sa edad upang mag-aral.

IKAAPAT NA TITULO 
PAGPAPATAAS NG ANTAS NG MORALIDAD SA PAMAYANAN 

SEKSYON 11. LAYUNIN. Layunin ng Kodigong ito na ipamulat at panatilihing nakaukit sa isipan ng lahat ng mamamayan at bawat pamilya ang pagiging maka-Diyos, ang kahalagahan ng buhay, ang pakikisama at pakikipagkapuwa-tao, pagtutulungan, responsibilidad at pananagutan sa lipunan at pamahalaan.

SEKSYON 12. PAGTATALAGA AT PAGTATATAG NG MORAL DEVELOPMENT COUNCIL. Upang maisakatuparan ang layuning ito, dito ay itinatalaga at/o itinatatag ang isang Moral Development Council, hindi lamang sa Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna, kundi sa lahat ng Sangguniang Barangay at sa lahat ng pampublikong paaralan. Ang mga pribadong paaralan ay hinihikayat din na magtatag ng kanilang Moral Development Council o katulad na lupon o grupo na ang layunin ay tulad ng nakasaad sa itaas nito.

SEKSYON 13. KATUNGKULAN AT GAWAIN NG MORAL DEVELOPMENT COUNCIL. Ang mga katungkulan at gawain ng Moral Development Council ay ang sumusunod:

Magsagawa ng mga programa na siyang magiging panuntunan upang maglimbag ng Module on Moral and Family Values na siyang gagamitin ng Moral Development Council upang maipamulat at mapanatili sa isipan ng lahat ng mamamayan at bawat pamilya ang pagiging maka-Diyos, ang kahalagahan ng buhay, ang pakikisama at pakikipagkapuwa-tao, pagtutulungan, responsibilidad at pananagutan sa lipunan at pamahalaan;
Magturo ng moral values strengthening at magpalawak ng disiplina sa lahat ng sulok ng pamayanan, kasama na ang kahalagahan ng pagtupad sa mga batas at kautusang bayan, ang pagbabayad ng tamang buwis sa tamang panahon.

SEKSYON 14. PAMUNUAN AT KASAPI NG MORAL DEVELOPMENT COUNCIL. Ang pamunuan at mga kasapi ng Moral Development Council ay ang mga sumusunod:

Sa Pamahalaang Bayan:
Tagapangulo—Punong Bayan;
Mga Kasapi—
Kagawad ng Sangguniang Bayan na Tagapangulo ng Lupon ng Kagalingang Panlipunan,
Pangulo ng Pederasyon ng Sangguniang Barangay,
Pangulo ng Pederasyon ng Sangguniang Kabataan,
Lahat ng Department Heads ng Pamahalaang Bayan,
Parish Priest ng Simbahang Katoliko,
Punong Ministro ng Iglesia ni Cristo,
Parish Priest ng Iglesia Filipina Independiente,
Pinunong Pastor o Kinatawan ng Lahat ng Religious Groups sa Bayan ng Paete at/o Born Again Christians,
Kinatawan ng mga Kapatid na Muslim,
Schools Supervisor, Department of Education,

Kinatawan ng Pampubliko at Pribadong Paaralan mula Elementarya hanggang Kolehiyo,
Hepe ng Pulisya,
Kinatawan ng lahat ng Non-Governmental Organizations, Civic Organizations at Samahan ng Mangingisda, Magsasaka at kaparehong Samahan,
Kinatawan ng Lay Ministers,
At iba pa.

Sa Barangay:
Tagapangulo—Punong-Barangay;
Mga Kasapi
Kagawad ng Sangguniang Barangay;
Kinatawan ng Religious Groups na nasasakupan ng Barangay,
Principal ng Paaralang Pampubliko o Pribado sa barangay,
Kinatawan ng NGOs o iba pang Samahan sa Barangay,
At iba pa.

SEKSYON 15. PAGLALAAN NG PONDO-Ang Punong- Bayan ay maglalaan ng pondo na isasama sa Taunang Badyet para sa gugulin ng Moral Development Council ng Pamahalaang Bayan. Ang Sangguniang Barangay ay maglalaan din ng pondo para sa gugulin ng Barangay Moral Development Council na isasama sa Taunang Badyet ng Barangay.

Ang pondo ay magmumula sa General Fund ng Taunang Badyet at sa mga susunod pang mga taon.

IKALIMANG TITULO
MGA KAUTUSANG BAYAN NA BINIBIGYANG-DIING MAIPATUPAD NG LAHAT NG BINIGYAN NG KAPANGYARIHANG MAGPATUPAD NG BATAS

KABANATA I
KAUTUSANG BAYAN UKOL SA DISIPLINA
SA PAMILYA AT LIPUNAN

SEKSYON 16. CURFEW- Dito ay itinatadhana ang pagliligpit (curfew) mula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-4:00 ng umaga kinabukasan para sa mga kabataang wala pa sa edad na labing walong taong (1Cool gulang.

ALITUNTUNIN I
Mga Patakaran

PANGKAT 1.
A. Ang paggamit ng sirena sa paghuhudyat ng oras ng pagliligpit (curfew)
1. Ang pagtunog ng sirena ang magiging hudyat o paalaala ng pagsisimula ng oras ng pagliligpit (curfew).
2. Ang pagtunog ng sirena ay gagawing tuluy-tuloy sa loob ng isang (1) minuto at pasisimulan dalawampung (20) minuto bago sumapit ang takdang oras na ika-10:00 ng gabi upang magkaroon ng pagkakataong umuwi ang mga taong wala sa kanilang bahay.
3. Ang batayang oras ng pagtunog ng sirena ay sa pamamagitan ng nakararami at pangkalahatang oras tulad ng oras sa TV, sa radyo at iba pang orasang nagbibigay ng halos parehong takda ng oras.
4. Ang pagtatapos ng oras ng pagliligpit (curfew) ay hindi isasagawa sa pamamagitan ng sirena upang maiwasan ang pagkabulahaw o maling pang-unawa (false alarm) sa mga taong nagpapahinga.

B. Ang hindi paggamit ng sirena sa paghuhudyat ng oras ng pagliligpit (curfew):
Ang hindi pagtunog ng sirena sa mga oras na itinakda sa itaas nito ay sang-ayon sa mga sumusunod na kadahilanan:
Walang daloy ng ilaw dagitab (brown-out).
Sira ang mekanismo ng sirena.
Iba pang kadahilanang teknikal at mekanikal sa pagpapatunog ng sirena ay hindi nangangahulugan na hindi ipatutupad ang pagliligpit.

2. Ang pagliligpit (curfew) ay hindi ipatutupad sa mga sumusunod na pagkakataon:

Ipinagdiriwang ang araw ng pangilin, pangiling panrelihiyon, mga tanyag na sayawan o mga gawaing panlipunan, pagdaraos ng palatuntunan sa Liwasang bayan o saan mang lugar, liga ng basketball o mga kauri nito; at
Batay sa kautusan ng Punong-Bayan.

C. Ang iba pang di-sakop sa oras ng pagliligpit (curfew)

1. Ang mga kabataang wala pang labing-walong (1Cool taong gulang na maaaring kumuha ng pases sa oras ng pagligpit (curfew pass) mula sa tanggapan ng Punong- Bayan.
Mga kabataang nagtatrabaho sa gabi na inaabot ng oras ng pagliligpit na may kaukulang patunay mula sa pinagtatrabahuhan at magulang.

Mga kabataang mag-aaral na may mga gawaing may kinalaman sa kanilang pag-aaral na may kaukulang patunay mula sa kanilang guro.
Mga kabataang mayroong legal na gawain na may patunay ng magulang at taong kasama sa gawain.
2. Mga kabataang maaaring lumabas ng bahay ng walang pases at maaaring hindi masakop ng oras ng pagliligpit (curfew):
Pagtawag ng doktor, hilot, pulis, bumbero at ibang maaaring tumugon sa pagtulong sa isang dagliang pangangailangan (emergency cases).
Mga kabataang nakilahok sa mga dagliang pangangailangan tulad ng pagsawata ng sunog, paghahatid sa may sakit at iba pang gawaing may kinalaman sa paglilingkod at pagdamay sa kapwa.

PANGKAT 2. Ang sinumang tao na may hustong edad na makikita rin sa lansangan o anumang pampublikong lugar na may kahinahinalang kilos sa mga dis-oras ng gabi o madaling araw, o gumagawa ng ingay o kaguluhan ay iimbitahin at ililiwat sa Tanggapan ng Pulisya. Kung ang kaguluhan o ingay ay labag sa alinmang batas o Katusang Bayan, ang nasabing tao ay papatawan ng kaparusahan sang-ayon sa itinatadhana dito.

PANGKAT 3. Ang mga taong may kapangyarihang magpatupad nito ay ang mga sumusunod: Kagawad ng Kuwerpo ng Pulisya, Bantay Bayan at Paete Anti-Crime Task Force (PACTAF). Sila ay may karapatang magtanong at maglagak sa himpilan ng Kapulisan sa mga mahuhuli na lumalabag sa kautusang ito.

ALITUNTUNIN II

PANGKAT 4. Ang lahat ng mga nagmamay-ari ng mga establisimyento ay inaatasang magpaskel ng patanto sa pagkakaroon ng pagliligpit (curfew) mula ika-10 ng gabi hanggang ika-4 ng umaga. Ang hindi pagtupad ng mga may-ari sa nasabing pagpapaskel ay nangangahulugan ng paglabag sa nasabing batas ng pagliligpit (curfew) at ito ay may katumbas na kaparusahan.

ALITUNTUNIN III
MGA KAPARUSAHANG MAY PAGSANG-AYON NG MGA MAGULANG AT TAGAPANGALAGA

PANGKAT 5. Ang sinumang tao na mahuhuli sa unang pagkakataon ay dadalhin sa Himpilan ng Bantay Bayan na nakasasakop kung saan ang tao ay nahuli (curfew). Kung ang tao ay mahuhuli sa ibang barangay na hindi sila doon naninirahan o nanunuluyan ay ililiwat ng mga kinauukulan (Punong-Barangay, Kagawad ng Sangguniang Barangay, Bantay Bayan at PACTAF) sa Himpilan ng Bantay Bayan kung saang barangay sila naninirahan. Ang mga magulang o tagapa-ngalaga lamang ang tanging bibigyan ng karapatang makapaglabas matapos na mapadalhan o mabigyan ng abiso na nagsasaad ng pagkahuli sa kanilang anak sa pamamagitan ng personal na pagsundo sa kanila at matapos na mapangaralan ng kinauukulang may kapangyarihan.

PANGKAT 6. Ang sinumang tao na mahuli sa ikalawang pagkakataon (na-curfew) ay papatawan ng kaparusahang Community Service sang-ayon sa mapagkakasunduan ng Tanggapan ng Kagalingang Panlipunan at ng mga magulang.

PANGKAT 7. Batay sa napagkasunduan ng Tanggapan ng Kagalingang Panlipunan at ng mga magulang, ang sinumang tao na mahuli sa ikatlong pagkakataon (na-curfew) ay papatawan ng kaparusahang multang halagang Limang Daang Piso (Php 500.00) at community service.

PANGKAT 8. Batay din sa napagkasunduan ng Tanggapan ng Kagalingang Panlipunan at ng mga magulang, ang sinumang tao na mahuli sa ikaapat at susunod na pagkakataon (na-curfew) ay papatawan ng kaparusahang multang halagang Isang Libong Piso (Php 1,000.00) at community service.

SEKSYON 17. ILIGAL NA SUGAL- Mahigpit na ipinagbabawal ang lahat ng uri ng sugal na umaasa sa kapalaran at may salaping pinaglalabanan o nasasangkot (pusta), gayundin naman ang pagpapataya o tumaya sa nasabing mga sugal. Hindi sakop nito ang Small Town Lottery (STL) at Lotto na legal batay sa batas ng Republika ng Pilipinas.

PANGKAT 9. Kabilang sa mga ipinagbabawal na sugal ay ang mga sumusunod: jueteng, laban ng mga gagamba na may salaping sangkot, lahat ng uri ng laro sa baraha na may salaping sangkot, masiao o ending, color games, video karera, tupada, mahjong na sobra sa isang lamesa na may sangkot na salapi, kahit anong sports competition na may pustahang salapi at paripa o mga laro na walang pahintulot mula sa Punong-Bayan.

PANGKAT 10. Ang sinumang lumabag sa Kautusang ito ay paparusahan ng multang Limang Daang Piso (Php 500.00) hanggang Isang Libo’t Limang Daang Piso (Php1,500.00) o/at pagkabilanggo ng sampung (10) araw hanggang isang (1) buwan o parehong kaparusahan ayon sa itatakda ng hukuman.

SEKSYON 18. ORDINANSA SA PAGBEBENTA NG ALAK AT SIGARILYO. Dito ay itinatakda ang mga panuntunan hinggil sa pagbebenta ng alak at pag-inom nito, gaya ng mga sumusunod:

ALITUNTUNIN I
Sakop, Limitasyon at Pagpapakahulugan ng mga Salita

PANGKAT 11. Pagpapakahulugan ng mga salita:

11.1 Alak – anumang inuming nakalalasing
11.2 Kabataan – mga mamamayan ng Paete na wala pa sa edad 18, may edad 17 taon pababa na maituturing na menor de edad

11.3 Tindahan – tutukoy sa anumang institusyon o lugar na nagbebenta ng alak katulad ng bahay-inuman, tindahan na nagbebenta ng alak at iba pang tulad nito, ang pagbebenta man ay tingi (retail) man o bulto (wholesale).
11.4 Tindera – sinumang tao na nagbibili ng alak, kabilang na ang may-ari, o sinumang tauhan ng tindahan.
11.5 Pook-Paaralan – buong nasasakupan ng anumang paaralan kabilang na ang lugar na wala pa sa layong isandaang metro mula sa anumang institusyong pang-edukasyon o paaralan.
11.6 Pagbebenta – pagtitinda o pagbibili ng alak, kabilang na rin ang pagpapainom ng alak sa mismong tindahan matapos na ito ay bilhin.

Alituntunin II
Pagbabawal ng Pagbebenta ng Alak at Sigarilyo sa Kabataan

PANGKAT 12. Mahigpit na ipinagbabawal ang pagbebenta ng alak at sigarilyo sa mga kabataan.
Ang tindera ay nararapat na humingi ng katibayan tulad ng ID
at/o sulat na mula sa magulang na siya ay inuutusang bumili ng
alak at sigarilyo.

ALITUNTUNIN III
Pagbebenta ng Alak at Sigarilyo sa mga Pook-Paaralan

PANGKAT 13. Mahigpit na ipinagbabawal ang pagbebenta ng alak at sigarilyo sa lahat ng tindahan na nasasakupan ng pook-paaralan sa mga araw at oras na may pasok.
Ang mga araw na may pasok ay ibabatay sa kalendaryong
pampaaralan (school calendar) na ipinalalabas ng Kagawaran ng
Edukasyon (Department of Education/DEPED). Ang anumang
pagbabago sa kalendaryong pampaaralan na ipatutupad ng DEPED ay
siyang sinasang-ayunan ng batas na ito.

ALITUNTUNIN IV
Kaparusahan

PANGKAT 14. Ang sinumang lumabag sa Kautusang ito ay paparusahan ng multang Limang Daang Piso (Php 500.00) hanggang Isang Libo’t Limang Daang Piso (Php1,500.00) o/at pagkabilanggo ng mula sampung (10) araw hanggang isang (1) buwan o parehong kaparusahan ayon sa itatakda ng hukuman.

SEKSYON 19. PAGBABAWAL SA PAGHUHUBAD, PAG-IHI AT PAGDUMI SA MGA HAYAG NA LUGAR.—Mahigpit na ipinagbabawal sa mga mamamayan ang paghuhubad, pag-ihi at pagdumi sa mga hayag na lugar.

ALITUNTUNIN I
Mga Kahulugan

PANGKAT 15. Ang paghuhubad na isinasaad sa kautusang ito ay ang hindi pagsusuot ng damit pang-itaas at/o pang-ibaba.

PANGKAT 16. Ang hayag na lugar ay ang mga sumusunod:

Liwasang Bayan
Lansangan
Simbahan
Pook Paaralan
Pamilihang Bayan
Mga establisimyentong pampubliko
at pribado maliban sa mga resorts
Mga parke

ALITUNTUNIN II
Mga Kaparusahan

PANGKAT 17. Ang sinumang lumabag sa Kautusang ito ay paparusahan ng multang Limang Daang Piso (Php 500.00) hanggang Isang Libo’t Limang Daang Piso (Php1,500.00) o/at pagkabilanggo ng mula sampung (10) araw hanggang isang (1) buwan o parehong kaparusahan ayon sa itatakda ng hukuman.

SEKSYON 20. VANDALISM—Dito ay itinatadhana ang mga panuntunan sa pangangalaga at pagpapanatili ng kaayusan sa mga lugar, imprastraktura at mga gusali na pag-aari ng pamahalaang barangay, bayan, lalawigan at nasyonal, gayundin ang mga pribado at pampublikong pader, dingding, bakod, gusali at iba pang katulad nito.

ALITUNTUNIN I
Sakop, Limitasyon at Pagpapakahulugan ng mga salita

Ang pagpapakahulugan sa mga salita na babanggitin sa batas na ito ay batay sa nasasakupan ng isinasaad sa batas na ito. Ang paggamit ng mga salita ay nakatuon lamang sa sakop ng ordinansang ito.

1.1 Imprastraktura – tutukuyin nito ang lahat ng lugar, pook, gusali, imprastraktura tulad ng pook-pasyalan (parke), palikuran, basketball court, maging ang mga pader, bakod at iba pang istrakturang ipinagawa, binili o ipinatayo ng mga barangay at ng Pamahalaang Bayan. Sakop din nito ang mga pribadong istraktura. Nasa ilalim nito ang lahat ng mga tiyak na pampublikong istraktura:

1.1.1 Mga Pampublikong Paaralan
1.1.2 Gusali ng Rural Health/ Puericulture Center
1.1.3 Pamilihang Bayan
1.1.4 Pambayang Katayan ng Hayop
1.1.5 Fast Food Center (Cads St., Brgy. 6 Ilaya del Norte)
1.1.6 Pambayang Tanghalan at Sentrong Pangkultura

1.1.7 Monumento ng mga Bayani
1.1.8 Monumento ng Pambayang Bayani na si
G. Mariano C. Madriñan
1.1.9 Wawa Park
1.1.10 Liwasang Bayan
1.1.11 Plaza Edesan
1.1.12 Tatlong Krus
1.1.13 Matabungcca Falls
1.1.14 Pambayan at Pribadong Libingan
1.1.15 Casile – Papatahan Feeder Road
1.1.16 Mga Deposito at mga Tubo ng Tubig Inumin
1.1.17 Lahat ng mga Istrakturang Pag-aari ng Alinmang Sangguniang Barangay

1.2 Pangangalaga – pagpapanatili sa kaayusan at maayos na kondisyon ng mga imprastraktura.

ALITUNTUNIN II
Mga Kaparusahan

PANGKAT 18. Ang sinumang lumabag sa Kautusang ito ay paparusahan ng multang Limang Daang Piso (Php 500.00) hanggang Isang Libo’t Limang Daang Piso (Php1,500.00) at/o pagkabilanggo ng mula sampung (10) araw hanggang isang (1) buwan o parehong kaparusahan ayon sa itatakda ng hukuman.

SEKSYON 21. STRAY DOGS O MGA GALANG ASO—Dito ay ipinagbabawal ang hindi tamang pag-aalaga ng mga aso at pagtatakda ng mga alintuntunin sa pag-aalaga ng mga ito, tulad ng mga sumusunod:

ALITUNTUNIN I

PANGKAT 19. Ang sinumang tao na nagnanais na mag-alaga ng aso ay inaatasan na makipag-ugnayan sa Tanggapan ng Pambayang Agrikultor hinggil sa panuntunan, pagpapatala at pagbabakuna ng anti-rabies sa kanilang alagang aso o mga aso.

Ang sinumang tao na may alagang aso ay inaatasang paturukan ng anti-rabies vaccine ang kanilang alagang aso bago sumapit ang ikatlong buwan simula ipanganak at nararapat na isagawa at ulitin isang beses sa loob ng isang taon.
Ang sinumang nagmamay-ari o tagapangalaga ng aso na nakapagpaturok ng kanilang alagang aso ay kinakailangang may pinanghahawakang pagpapatunay buhat sa beterinaryo o sa sinumang nagbakuna rito na ang nasabing aso ay kanyang pag-aari at ito ay nabigyan na ng kinauukulang bakuna. Ang katibayan at tala ay maglalaman ng mga sumusunod:

Pangalan ng May-ari/Tagapangalaga
Pahatirang-Sulat ng May-ari/Tagapangalaga
Petsa ng Pagbabakuna
Pangalan ng Beterinaryong Nagbakuna

PANGKAT 20. Ang sinumang tao na nagmamay-ari o tagapangalaga ng asong napabakunahan na sa pribadong beterinaryo ay kinakailangang makipag-ugnayan sa Tanggapan ng Pambayang Agrikultor at Sangguniang Barangay upang mailagay sa talaan ng mga alagang asong nabakunahan na.

PANGKAT 21. Halaga ng bakuna sa Tanggapan ng Pambayang Agrikultor:

Limampung Piso (Php 50.00) bawat aso – 1 aso (sa bawat may-ari)
Apatnapung Piso (Php 40.00) bawat aso – 2-4 na aso (sa bawat may-ari)
Tatlumpung Piso (Php 30.00) bawat aso – 5 aso o higit pa (sa bawat may-ari).

PANGKAT 22. Ang sinumang tao na nagmamay-ari o nag-aalaga ng aso o mga aso, matapos na sumunod sa mga ipinag-aatas ng mga nabanggit na pangkatin sa itaas ay dapat na makipag-ugnayan sa Tanggapan ng Punong-Barangay na kanilang kinabibilangang barangay para sa kaukulang pagpapatala at pagrerehistro. Kinakailangan na ipakita ang sipi ng katibayan ng pagpapabakuna mula sa Tanggapan ng Pambayang Agrikultor upang maiparehistro ang nasabing aso o mga aso sa talaan ng Barangay.

PANGKAT 23. Inaatasan ang lahat ng barangay na magsagawa ng “Mass Registration” ng lahat ng mga aso sa kanilang nasasakupan sa pangangasiwa ng Tanggapan ng Pambayang Agrikultor upang maigawa ng kaukulang talaan na alinsunod na rin sa itinatakda ng RA 9482 o Anti-Rabies Act ng 2007.

PANGKAT 24. Ang mga Punong-Barangay ay inaatasan na magtakda ng regulasyon ukol sa “Colored Dog Tag” o iba pang katulad nito na maaaring pagkakilanlan ng aso, na dapat na maglalaman ng mga sumusunod:

Palatandaan ng nakasasakop na barangay (maaaring kulay o numero ng barangay);
Pagkakakilanlan ng may-ari/tagapangalaga (maaaring numero na may kaukulang tala sa Tanggapan ng Punong-Barangay alinsunod sa mga impormasyon na makikita sa rehistro o listahan ng mga aso sa nasasakupang barangay).

PANGKAT 25. Mahigpit na itinatagubilin na dapat na tiyakin ng may-ari o tagapangalaga ng aso na pamalagiing nakasuot ang nasabing tag sa aso.

ALITUNTUNIN II
Pagbabawal sa Pagpapagala ng Aso sa mga lansangan o saan mang hayag na lugar sa Bayan ng Paete, Laguna.

PANGKAT 26. Ang sinumang tao na nagmamay-ari o nag-aalaga ng aso ay inaatasang panatilihing nakatali o nakakulong ang kanilang aso.

PANGKAT 27. Mahigpit ding ipinag-uutos na maglagay ng patanto/babala sa harapan ng kanilang bahay na may nakalagay na “Mag-ingat sa Aso” o mga kauri nito. Kung sakali at makagat ang isang tao ng aso dahil sa pagwawalang-bahala sa nasabing patanto/babala, walang pananagutan ang may-ari ng aso sa nakagat nito na pwersahang pumasok ng kanilang bahay.

PANGKAT 28. Kung ang aso o mga aso ay ipapasyal ng may-ari o sinumang tagapangalaga nito dapat ito ay nakatali habang ipinapasyal at kung sakaling ang aso ay dumumi, ang may-ari o ang tagapangalaga ng aso o mga aso ang may katungkulang maglinis ng nasabing dumi ng aso.

PANGKAT 29. Ang Kwerpo ng Pulisya o Task Force na itatalaga ng Punong-Bayan o Task Force na itatalaga ng Punong-Barangay ay may karapatan at tungkuling manghuli o humuli ng alinmang aso o mga asong makikitang gumagala at pinagagala sa lansangan at mga hayag na lugar na kanilang nasasakupan.

Walang pananagutan ang nanghuhuli o nanghuli sa alinmang aso na namatay sa oras na hinuhuli o pagkahuli at habang nakakulong.
Ang alinmang aso na hindi tinubos makalipas ang pitumpu’t dalawang (72) oras o tatlong (3) araw ay mapapasailalim sa pamamahala ng kinauukulang inatasan/itinalagang tanggapan.
Ang ikalimampung bahagdan (50%) ng multang ipapataw sa may-ari ng mahuhuling aso ay mapupunta sa sinumang itatalagang tao o grupo ng mga taong nakahuli.

ALITUNTUNIN III
Pananagutan ng may-ari o tagapangalaga ng aso sa taong nakagat ng aso

PANGKAT 30. Ang may-ari o tagapangalaga ng alagang aso ay may pananagutan sa taong nakagat ng kanilang alagang aso simula sa pagdadala sa kinauukulang manggamot o hospital at sa pag-aayos sa lahat ng pangangailangan nito, bukod pa dito ang pananagutan batay sa isinasaad ng Republic Act 9482 o kilala bilang Anti-Rabies Act ng 2007.

ALITUNTUNIN IV
Multa at Kaparusahan sa Paglabag

PANGKAT 31. Ang sinumang nagmamay-ari ng alinmang aso o mga aso na tumangging pabakunahan o hindi nagpabakuna ng kanilang aso ng anti-rabies vaccine ay papatawan ng multa na nagkakahalagang Dalawang Libong Piso (Php 2,000.00), ito ay base sa talaan ng mga asong nabakunahan na sa Tanggapang ng Pambayang Agrikultor. Ang sinumang may-ari o tagapangalaga ng aso na hindi pinabakunahan ang kanilang aso ay magbabayad rin ng kaukulang halaga para sa bakuna bukod pa sa kaukulang multa.

PANGKAT 32. Ang sinumang nagmamay-ari o tagapangalaga ng alinmang aso o mga aso na hindi naiparehistro/naipatala sa Tanggapan ng Pambayang Agrikultor na tumangging ipatala ang kanilang aso ay papatawan ng multang Isang Libong Piso (Php 1,000.00).

PANGKAT 33. Ang sinumang nagmamay-ari o tagapangalaga ng alinmang aso na tumangging lagyan/pagsuotin ng “Colored dog tag” ang kanilang aso ay magmumulta ng Isang Libong Piso (Php 1,000.00).

PANGKAT 34. Ang sinumang nagmamay-ari o tagapangalaga ng aso na mahuhuling walang nakalagay/nakasuot na “Colored dog tag” ang kanilang aso ay magmumulta ng Isang Libong Piso (Php 1,000.00).

PANGKAT 35. Ang sinumang nagmamay-ari o tagapangalaga ng alinmang aso o mga aso na makitang gumagala o pinababayaang gumala sa lansangan o kalye ang kanilang aso ay papatawan ng kaparusahang gaya ng mga sumusunod:
UNANG PAGLABAG—Multang halagang Isang Libong Piso (Php 1,000.00) o pagkabilanggo ng limang (5) araw at ang kaukulang halagang nagastos habang nakakulong ang aso.

IKALAWANG PAGLABAG—Multang halagang Isang Libo’t Limang Daang Piso (Php 1,500.00) o pagkabilanggo ng pitong (7) araw o pareho ayon sa ipapataw ng kinauukulang hukuman, at halagang nagastos habang nakakulong ang aso.

IKATLONG PAGLABAG—Multang halagang Dalawang Libo’t Limang Daang Piso (Php 2,500.00) o pagkabilanggo ng sampung (10) araw o pareho ayon sa ipapataw ng kinauukulang hukuman, at halagang nagastos habang nakakulong ang aso.

PANGKAT 36. Ang sinumang tao o tagapangalaga ng aso o mga aso na hindi maglilinis ng dumi ng kanilang aso sa pagkakataong ipinapasyal ito ay magmumulta ng halagang Limang Daang Piso (Php 500.00).
PANGKAT 37. Ayon sa isinasaad ng RA 9482 o kilala bilang Anti-Rabies Act ng 2007, ang sinumang nagmamay-ari o tagapangalaga ng aso na tumangging isailalim ang kanilang aso sa kaukulang pagsubaybay (observation) matapos na ito ay makakagat ng tao ay kinakailangang tumugon sa multa at kaparusahan na ipinag-aatas ng nabanggit na Batas.

PANGKAT 38. Ang nagmamay-ari ng aso o tagapangalaga ng aso na hindi isailalim ang kanilang aso sa pagsubaybay (observation) at hindi binayaran ang gastusing medikal ng taong nakagat ng kanilang aso ay nararapat na tumalima sa multa at kaparusahan na isinasaad ng binanggit na Batas.

SEKSYON 22. INTERNET CAFÉ—Mga regulasyon para sa sinumang nagmamay-ari, nagpapaupa at namamahala ng internet café/computer shop/computer games-rentals/video o fruit games at mga kauri nito, para sa mga kabataang uupa at gagamit ng nasabing mga kagamitan. Ito ay ang mga sumusunod:

ALITUNTUNIN I
Kahulugan ng Katawagan

PANGKAT 39. Internet Café/Computer Shop/ Computer Center/Computer Games-Rentals/Video Games o Fruit Games—Ang mga establisimyentong ito ay ang nagpapaupa o nagpapabayad sa paggamit ng mga “computer unit” ito man ay lisensyado o hindi at lugar na kung saan ang isang indibidwal ay maaaring umupa/umarkila ng computer upang gamitin ito batay na rin sa mga serbisyong iniaalok ng mga may-ari o namamahala ng Computer Rental Shops.

PANGKAT 40. Mga operator, may-ari, tagapamahala, administrador at mga kauri nito ay siyang mayroong responsibilidad sa operasyon ng “internet café/computer shop/computer center/computer games-rentals/video games o fruit games”.

PANGKAT 41. Sentrong Pang Edukasyon o Paaralan– Lahat ng institusyon na may kinalaman sa paaralan o pag-aaral, ito man ay pribado o pampubliko.

PANGKAT 42. Computer Games/Video Games- mga uri ng computer/video games:
Mind Games- uri ng laro sa computer na magpapaunlad ng kaisipan at kaalaman ng isang indibidwal gaya ng Text twist, chess, bookworm at iba pang kauri nito.
Action Games – uri ng laro sa computer na nagbibigay kasiyahan sa isang indibidwal gaya ng counter strike, ragnarok, red alert, juris revenge the generals at iba pang kauri nito.
ALITUNTUNIN II
Mga iba pang Kakailanganin

PANGKAT 43.
a . Ang sinumang tao na nagmamay-ari at namamahala ng “internet café/computer shop/computer center/computer games-rentals/video games o fruit games” ay kinakailangang kumuha ng kaukulang permiso taun-taon sa Pamahalaang Bayan gaya ng mga sumusunod :

Mayor’s Permit.
Business Permit.
Municipal Engineer’s Permit.
Municipal Public Health’s Permit.
Bureau of Fire Protection’s Permit.
DTI/BIR.

b . Ang Municipal Engineer, Public Health Officer at Bureau of Fire Protection Chief ay kinakailangang mag-“certify” na ang kanilang istrakturang establisimyento, lugar/pwesto ay ligtas sa anumang kapahamakan dulot ng mga computers “radioactive”, fire hazard at hindi pagsunod o pagtalima sa sanitation procedures (Sanitation Standard Operation Procedures) na kailangan sa pagkuha ng kaukulang permiso at hindi pagsunod o pagtalima sa ating Pamahalaang Bayan para sa pagpapatakbo ng nasabing negosyo.

c Ang “Accredited” organization/association na may kinalaman sa pagpapatakbo ng computer shop ay kinakailangang magbigay ng sertipikasyon na magpapatunay na sila ay kasapi ng samahan at ang naturang establisimyento ay tumutupad sa mga alituntunin na nasasaad sa ordinansang ito sa pamamagitan ng pag-iinspeksyon ng naturang mga computers, softwares at anti-pornographic filters
na nasa loob nito at hindi ito lalabag sa mga alituntuning itinatakda dito.

PANGKAT 44. Ang sinumang tao na bago pa lamang magbubukas o mag-o“operate” para ito ay gawing “business” ay kinakailangan ding kumuha ng mga kaukulang permiso na nakasaad sa Pangkat 43 (a), (b) at (c).

PANGKAT 45. Matapos mapagtibay ang Ordinansang ito ay hindi na pahihintulutan ang sinumang tao na bago pa lamang magbubukas o mag-o“operate” para ito gawing “business” na magtayo, maglagay ng “Internet café/computer shops/computer center/computer games-rentals/video games o fruit games” sa “50- meter radius” mula sa lahat ng pook-paaralan na nasasakupan ng bayang ito.

ALITUNTUNIN III
Mga Regulasyon

PANGKAT 46.
a Ang lahat ng mga “Internet cafés/computer shops/computer centers/computer games-rentals/video games o fruit games” ay hindi pahihintulutang magpapasok, magpaupa, at magpagamit ng “computer” sa mga mag-aaral ng elementarya at sekondarya na paaralan kung ang mga paaralan ay mayroon pang pasok o klase.

b Pahihintulutan lamang ang mga mag-aaral na nabanggit sa itaas nito kung sila ay may dalang sulat kapahintulutan mula sa kanilang magulang o guro para makagamit ng paupahang “computer” para sa kanilang pag-aaral at mga kauri nito sa mga oras na mayroon pang pasok o klase ang mga ito.

c Ang lahat ng nagmamay-ari, namamahala, operators, at mga kauri nito na “Internet cafes/computer shops/computer centers/computer games-rentals/video games o fruit games” ay kinakailangang pangalagaan at siguruhin na hindi lalabag sa ipinag-uutos ng Ordinansang ito ang lahat ng kabataan (menor de

edad) na gagamit o uupa ng “computer” sa kanikanilang lugar o pwesto.

d Ang mga “Internet cafes/computer shops/computer centers/computer games-rental operators/video games o fruit games” ay kinakailangang maglagay ng mga “warning signs” na nagsasaad gaya ng mga sumusunod:

1.) “CURFEW ORDINANCE” (Kautusang Bayan ukol sa Pagliligpit). Ang mga kabataan ay hindi pinapahintulutang pumasok o manatili dito mula ika-10:00 nang gabi hanggang ika-4:00 nang umaga.
2.) Bawal ang magdala o magbitbit ng mga inuming nakakalasing at mga kauri nito.
3.) Bawal ang magdala o magbitbit ng ipinagbabawal na gamot na mga kauri nito.
4.) Sumunod sa mga Oras ng paggamit ng Computers.
5.) Bawal ang magdala o magbitbit ng ipinagbabawal na patalim o armas (deadly weapon).
6.) Bawal ang magsigarilyo (NO SMOKING) at magtinda ng sigarilyo sa mga establisimyento.
7.) Bawal ang pagsusugal (No Gambling).
8.) Bawal sa kabataan ang “Pornoghrapic/satanic/rebellious site.
9.) Paggamit ng Computers: Elementary Pupils – 2 hrs only (pinakamatagal na paggamit sa isang sesyon).
10.) Paggamit ng Computers: High School Students – 4 hrs. only (pinakamatagal na paggamit sa isang sesyon).

ALITUNTUNIN IV
Para sa Pamamahala ng mga “Internet cafés/computer shops/computer centers/computer games-rentals/video games o fruit games”

PANGKAT 47. Ang lahat ng pintuang pasukan (entrance doors) ng mga “Internet cafe/computer shops/computer centers/computer games-rentals/video games o fruit games” ay kinakailangang “transparent” at hindi “tinted” ang mga salamin nito.

PANGKAT 48. Hindi pinahihintulutan ang mga “closed cubicles” sa pwesto para sa mga menor de edad.

PANGKAT 49 Ang lahat ng operator/tagapangasiwa ay kinakailangang maging mapagbantay upang hindi mabuksan ang mga “pornographic, satanic, violent at rebellious sites”.

PANGKAT 50. Ang lahat ng nagmamay-ari, namamahala, operators at mga kauri nito ay hindi pinahihintulutang magbenta, gumamit ng mga ipinagbabawal na gamot at mga kauri nito, mga nakakalasing na mga inumin at mga kauri nito, sa lugar (premises) ng establisimyento.

PANGKAT 51. Ang “downloading of movies” na may kaugnayan sa “method of piracy” ay hindi pinahihintulutan at bagkus ito ay pinagbabawal ng Batas Nasyonal.

PANGKAT 52. Ang lahat ng tao na nagmamay-ari, nagpapaupa at namamahala ng “internet cafés/computer shops/computer centers/computer games-rentals/video games o fruit games” ay inaatasan ng ordinansang ito na pauwiin at pagsabihan ang lahat ng menor de edad na gumagamit ng computers at mga kauri nito bago sumapit ang ika-10 ng gabi, batay sa umiiral na Curfew Ordinance o Kautusang Bayan ukol sa Pagliligpit.

ALITUNTUNIN V
Para sa Magulang at Guro

PANGKAT 53. Tungkulin ng mga magulang, tagapag-alaga, mga guro at kinauukulan sa lahat ng antas ng paaralan, ang pamahalaan (to supervise) at mag-monitor ng kanilang mga anak/estudyante sa lahat ng aktibidades at mga kauri nito na ipaalam ang kahalagahan ng paggabay para sa kanilang sariling disiplina at payuhan ng tamang mga paggamit ng mga “online computer activities” na may kaugnayan para sa pagpapaunlad ng kanilang wastong kaugalian.

PANGKAT 54. Tungkulin ng mga magulang, tagapag-alaga, mga guro at kinauukulan sa lahat ng antas ng paaralan ang magbigay ng sulat kapahintulutan upang makagamit, gumamit, umupa ng computers batay sa isinasaad sa Pangkat 46 (b).

ALITUNTUNIN VI
Mga Tungkulin ng Nagmamay-ari, Namamahala, Nagpapaupa at Nagpapagamit ng mga “computers”

PANGKAT 55. Tungkulin ng mga nagmamay-ari, namamahala, nagpapaupa, at nagpapagamit ng computers na pangalagaan ang mga kabataan (menor de edad) na gumagamit ng computers sa kanilang establisimyento, batay sa isinasaad sa Pangkat 46.

ALITUNTUNIN VII
Paglalaro ng Computer Games

PANGKAT 56. Mga Alituntunin sa pagpapalaro ng Computer Games:

Pagpapagamit ng headset upang maiwasan ang ingay o malimitahan ang tunog o volume ng mga computers;
Pagsabihan ang mga gumagamit na iwasang mag-ingay upang huwag makaabala o makainis sa iba pang naroroon.

ALITUNTUNIN VIII
Mga Hindi Sakop ng Ordinansang ito

PANGKAT 57. Ang lahat ng “educational institutions”, pribadong lugar at mga legal na korporasyon na gumagamit ng mga “computer facilities through Internet” katulad ng STI, AMA at iba pang institusyong kauri nito ay hindi sakop ng ordinansang ito.

ALITUNTUNIN IX
Multa at Kaparusahan

PANGKAT 58. Paglabag sa Ordinansa-
a Ang sinumang mahuhuling lalabag sa kautusang ito ay papatawan ng mga sumusunod na kaparusahan:

(a).UNANG PAGLABAG—Multang halagang Limang Daang Piso (Php500.00);

IKALAWANG PAGLABAG—Multang halagang Isang Libong Piso (Php 1,000.00) hanggang Isang Libo’t Limang Daang Piso (Php 1,500.00);

IKATLONG PAGLABAG—Multang halagang Isang Libo’t Limang Daang Piso (Php 1,500.00) hanggang Dalawang Libo’t Limang Daang Piso (Php 2,500.00) at awtomatikong pagsasawalang bisa sa kapahintulutang makapag-operate ng “internet café/computer shop/computer center/computer games-rentals/video games o fruit games at mga kauri nito batay sa ihahatol ng kaukulang hukuman;

b. Ang mahulihan ng pagpapalabas, pagpapakita, pagpapakalat ng pornograpiya ukol sa mga bata (Child Pornography) ay awtomatikong kakanselahin ang kapahintulutang makapagnegosyo na may kinalaman sa computers at internet services at mga kauri nito. Tungkulin din ng may-ari na i-“block” (huwag mabuksan) ang mga website na nagpapakita ng mga kalaswaan.

SEKSYON 23. PADALUYANG TUBIG—Ang pangkasalukuyang Tanggapan ng Padaluyang Tubig, organisasyon at kawani ay siyang mananatiling tagapangasiwa ng lahat ng Gawain na may kaugnayan sa padaluyang tubig.

ALITUNTUNIN I
Pagpapakabit ng Linya ng Padaluyang Tubig

PANGKAT 59. Lahat ng magpapakabit ng linya ng tubig ay kailangang humingi ng pahintulot mula sa Tanggapan ng Padaluyang Tubig. Ang sinumang tao o establisimyento na magpapakabit ng linya ng tubig ay kailangang kumuha ng kaukulang barangay clearance.

PANGKAT 60. Maaari lamang magkabit ng linya ng tubig ang sinumang tao o establisimyento sa mga nakatalagang service pipe line ng Pamahalaang Bayan.

PANGKAT 61. Sa bawat linya ng tubig sa kabahayan o establisimyento ay maaaring magkabit ng isang metro lamang. Subalit kung ito ay paupahan o apartment, ang bawat pinto ay kakabitan ng metro ng tubig.

PANGKAT 62. Ang pagpapakabit ng linya mula sa service pipe line ng Pamahalaang Bayan, kasama na ang mga materyales ay pananagutan ng consumer. Subalit ang labor expenses simula sa service pipe line hanggang sa metro ng tubig ay pananagutan ng Pamahalaang Bayan, ang labor expenses at materyales mula sa metro ng tubig hanggang sa loob ng kabahayan ay pananagutan ng consumer.

PANGKAT 63. Ang pagbabago ng linya ng tubig na dati nang may linya na rehistrado ay pananagutan na ng Pamahalaang Bayan kung ito ay kagustuhan ng huli. Subalit kung ang pagbabago ay kagustuhan ng consumer, ito ay sa kanyang pananagutan kasama na ang materyales at labor expenses. Ang sinumang nagnanais na magpabago ng linya ng tubig ay kinakailangang kumuha muli ng pahintulot sa Tanggapan ng Padaluyang Tubig.

Kung ang tubig ay magbubuhat sa tubo na pag-aari ng Pamahalaang Bayan—Isang Daang Piso (Php100.00) sa unang dalawampung (20) metro kubiko, at Pitong Piso (Php7.00) sa bawat metrong kubikong lalampas dito bawat buwan.
Kung ang tubig ay magbubuhat sa sarili nilang lugar o bukal—Isang Daang Piso (Php100.00) bawat buwan bilang “production assessment fee” sang-ayon sa umiiral na batas nasyonal.

ALITUNTUNIN II
Pagbabayad sa Pagkakabit ng Linya at Konsumo ng Tubig

PANGKAT 64. Ang mga sumusunod ang siyang kaukulang butaw kaugnay ng pagkakabit ng linya at konsumo ng tubig:

Pagpapakabit ng bagong metro ng tubig—Isang Daan at Limampung Piso (Php150.00).
Pagpapakabit na muli ng metro ng tubig para sa naputulan ng linya—Isang Daang Piso (Php100.00).
Pagpapalipat ng metro sa ibang lugar o tahanan—Isang Daang Piso (Php100.00).
Pagpapalit ng nasirang metro—Isang Daang Piso (Php100.00)
Lahat ng materyales na gagamitin sa mga nabanggit na gawain sa itaas nito ay pananagutan ng consumer. Subalit ang labor expenses ay pananagutan ng Pamahalaang Bayan.

PANGKAT 65. Ang kabayaran sa konsumo ng tubig sa mga kabahayan ay ang mga sumusunod:

Sa unang dalawampung (20) metro kubiko—Dalawampung Piso (Php 20.00) bawat buwan.
Sa hihigit sa dalawampung (20) metro kubiko bawat buwan—Apat na Piso (Php4.00) bawat isang metro kubiko bawat buwan.

PANGKAT 66. Ang kabayaran ng lahat ng water refilling stations ay ang mga sumusunod:

PANGKAT 67. Ang kabayaran ng lahat ng may swimming pool at resort na ang tubig ay nagmumula sa sarili nilang lugar at bukal ay Isang Daang Piso (Php100.00) bawat buwan bilang “production assessment fee” sang-ayon sa umiiral na batas nasyonal.

PANGKAT 68. Mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng tubig na nagmumula sa Pambayang Padaluyang Tubig para sa swimming pool, resort, palaisdaan at mga kauri nito.

PANGKAT 69. Kung ang metro ng tubig ay nasira at naging “zero” (0) ang reading, ang pagbabatayan ng kabayaran sa konsumo ay ang nakaraang buwan. Katungkulan ng consumer na palitan ang sirang metro ng tubig sa loob ng isang (1) buwan. Kung sa susunod na pagbasa ng metro ang sirang metro ay hindi pa rin pinalitan, ang linya ng tubig ay dagliang puputulin.

Alituntunin III
Mga Bawal na Gawain, Multa at Kaparusahan

PANGKAT 70. Ipinagbabawal ang mga sumusunod:

Pagkakabit ng linya ng tubig na diretso sa main line.

Pagkakabit ng linya ng tubig mula sa service pipe line ng walang metro.
Pagkakabit ng “jumper” o mga linya ng tubig na hindi dumadaan sa metro.
Pagkakabit ng metro na walang kapahintulutan mula sa Tanggapan ng Padaluyang Tubig.
Pagkakabit ng metro ng lahat ng consumer na pinutulan ng serbisyo dahil sa pagkakautang. Maaari lamang itong kabitan muli ng metro kung nabayaran na ang lahat ng nasabing pagkakautang.

PANGKAT 71. Mga multa at kaparusahang ipapataw:
a Sa sunod-sunod na tatlong (3) buwang hindi pagbabayad—Pagputol ng linya ng tubig. Subalit kung sakaling mabayaran ang lahat ng pagkakautang, muling ikakabit ang linya ng tubig matapos magbayad ng halagang Isang Daang Piso (Php100.00) “reconnection fee”.
b Ang hindi makabayad ng konsumo ng tubig sa bawat buwan matapos matanggap ang water bill o abiso ng pagbabayad makalipas ang sampung (10) araw, ay papatawan ng sampung porsiyentong interes (10%) o rekargo batay sa halaga na nakasaad sa water bill.
c Ang sinumang lumabag sa nakasaad sa itaas nito ay papatawan ng mga sumusunod:
UNANG PAGLABAG—Multang halagang Isang Libong Piso (Php1,000.00) at/o sampung araw na pagkabilanggo.

PANGALAWANG PAGLABAG— Multang halagang Isang Libo at Limang Daang Piso (Php1,500.00) at/o dalawampung (20) araw na pagkabilanggo.

IKATLONG PAGLABAG— Multang halagang Dalawang Libo at Limang Daang Piso (Php2,500.00) at/o tatlumpung (30) araw na pagkabilanggo.

SEKSYON 24. SUMP TANK (Ipunan ng Tubig)—Mga regulasyon at alintuntunin na nauukol sa mga kabahayan, tirahan at establisimyento na mayroong water pump, at sa mga kabahayan, tirahan at establisimyento na bago pa lamang maglalagay/magkakabit ng water pump (motor pump). Ito ay ang mga sumusunod:

ALITUNTUNIN I
Mga regulasyong nauukol sa mga kabahayan, tirahan at establisimyento na bago pa lamang maglalagay/magkakabit ng water pump (motor pump) na mayroong lugar/pwesto na paglalagyan/pagkakabitan ng sump tank.

PANGKAT 72. Ang sinumang tao na nagmamay-ari/naninirahan na nagnanais na magpalagay/magpakabit ng water pump (motor pump) sa kanilang mga bahay, tinitirhan at establisimyento ay mahigpit na inaatasan na makipag-ugnayan sa Tanggapan ng Padaluyang Tubig para sa kaukulang pagbisita (inspection), pahintulot at pagtatala.

PANGKAT 73. Ang mga kabahayan, tirahan at mga establisimyento na nagnanais na magpalagay ng motor pump/water pump sa kanilang lugar, nasasakupan o pagmamay-ari matapos mapagtibay ang ordinansang ito, at makaraang mabisita ng Tanggapan ng Padaluyang Tubig at makita/mabatid na walang lugar na mapaglalagyan/mapagtatayuan ng sump tank ay hindi na mabibigyang pahintulot ng nasabing tanggapan para maiwasan at di-makasagabal sa daloy ng tubig sa mga kalapit/karatig na mga kabahayan sa kanilang lugar.

PANGKAT 74. Matapos na makipag-ugnayan sa Tanggapan ng Padaluyang Tubig ang may-ari o naninirahan sa isang bahay, tirahan o establisimyento, ang Tanggapan ng Padaluyang Tubig ay magsasagawa ng kaukulang pagbisita (ocular inspection) sa lugar na nagnanais magpalagay ng water pump, upang alamin at malaman kung ito ay kuwalipikado o maaaring magpalagay/magpakabit ng water pump (motor pump) batay sa dumadaloy na tubig sa kanilang bahay o establisimento, gaya ng mga sumusunod:

Ang pagpapakabit ng metro ng tubig ay pananagutan ng consumer, kasama na ang lahat ng materyales tulad na metro, simula sa service pipe line, subalit ang labor expenses mula service pipe line hanggang sa metro ay pananagutan ng Pamahalaang Bayan. Ang labor expenses simula sa metro hanggang sa loob ng tahanan ay pananagutan ng consumer.
Ang pagbabago ng linya ng tubig na dati ng may linya na rehistradong legal ay pananagutan ng Pamahalaang Bayan kung ito ay sa pamamagitan at kagustuhan ng Pamahalaang Bayan, subalit kung ito ay sa pamamagitan o kagustuhan ng consumer, ito ay pananagutan ng consumer.
Maaari lamang magkabit ng linya ng tubig sa mga nakatalagang service pipe line ng Pamahalaang Bayan.
Isang metro lamang ng tubig ang maaaring ikabit sa bawat tahanan. Subalit kung ito ay paupahan, o apartment, ang bawat pinto ay kakabitan ng metro ng tubig.
Kailangang kumuha ng barangay clearance ang lahat ng bagong magpapakabit ng tubig.

PANGKAT 75. Pagkatapos o makaraang mabisita ng Tanggapan ng Padaluyang Tubig ang bahay/tirahan o establisimyento na nagnanais magpalagay ng water pump at mabatid na maaari silang magpalagay nito at/na mayroong lugar/puwesto na paglalagyan ng sump tank, sila ay inaatasan na magpalagay/magpakabit ng sump tank upang di-makaapekto sa daloy ng tubig sa kanilang lugar at mga kalapit kabahayan at matapos na makapagbayad ng mga kaukulang butaw o bayarin at makasunod sa mga iniaatas ng ordinansa, ay saka pa lamang sila (may-ari, naninirahan) mabibigyan ng pahintulot na magpakabit/magpalagay ng water pump/motor pump.

PANGKAT 76. Ang mga may-ari o mga naninirahan na mabibigyan ng pahintulot na maglagay o magpakabit ng water pump (motor pump) ay magbabayad ng kaukulang mga butaw at bayarin, tulad ng mga sumusunod:

Para sa mga Nagnenegosyo ng Tubig:
Sa unang dalawampung (20) metro kubiko- Isandaang Piso (PHP100.00) bawat buwan;
Sa higit sa dalawampung (20) metro kubiko- Pitong Piso (PHP7.00) sa bawat metro kubiko bawat buwan.
Batay sa umiiral na batas, kinakailangang ang lahat ng nagnenegosyo ng tubig na may sariling bukal o pinanggagalingan ng tubig ay kumuha ng “water permit” mula sa National Water Resources Board.

PANGKAT 77. Ang kabayaran sa nagamit o nakonsumong tubig ng mga kabahayan, tirahan at mga establisimyento na binigyan ng pahintulot ng Tanggapan ng Padaluyang Tubig na makapaglagay ng water pump at may ipinagawang sump tank ay magbabayad ng halagang Dalawampung Piso (Php20.00) sa unang dalawampung metro kubikong makokonsumong tubig (1st 20 cubic meters) bawat buwan at karagdagang Apat na Piso (Php4.00) sa bawat metro kubiko (cubic meter) konsumo na hihigit/lalampas sa unang dalawampung metro kubiko, na tulad ng regular/ordinaryong kabayaran sa tubig.

ALITUNTUNIN II
Alituntunin/Regulasyon na nauukol sa dati ng mayroon ng nakakabit/nakalagay na water pump (motor pump) sa kanilang mga kabahayan, tirahan o establisimyento.

PANGKAT 78. Ang mga kabahayan, tirahan at establisimyento na mayroon ng nakalagay o nakakabit na water pump (motor pump) na hindi pa nakatala sa Tanggapan ng Padaluyang Tubig ay inaatasan na ipabatid at iparehistro sa tanggapang ito, para sa kaukulang impormasyon, pagpapatala at pagbabayad ng kaukulang butaw ukol dito.

PANGKAT 79. Ang mga kabahayan, tirahan at establisimyento na mayroon nang datihang nakakabit/nakalagay na water pump/motor pump, bago pa mapagtibay ang ordinansang ito, na mayroong lugar/puwesto sa kanilang nasasakupang lugar na mapaglalagyan ng sump tank ay inaatasan na magpalagay o magpagawa nito, para sa maayos na daloy ng tubig sa kanilang lugar at upang di-makaapekto/makasagabal sa daloy ng tubig sa mga kalapit/karatig na mga kabahayan.

PANGKAT 80. Ang mga kabahayan, tirahan at establisimyento na dati nang may nakakabit/nakalagay na water pump, bago pa man mapagtibay ang ordinansang ito at walang lugar na mapaglalagyan/mapagtatayuan ng sump tank ay pahihintulutan pa rin, subalit may karagdagang bayarin sa paggamit o nakonsumong tubig.

PANGKAT 81. Ang kabayaran sa konsumo o nagamit na tubig ng mga kabahayan, tirahan at establisimyento na mayroon ng water pump (motor pump) at maglalagay/magpapagawa ng sump tank ay magbabayad ng regular/ordinaryong bayad na halagang Dalawampung Piso (Php20.00) sa unang dalawampung metro kubiko (1st 20 cubic meters) bawat buwan na konsumo at karagdagang Apat na Piso (Php4.00) sa bawat metro kubikong konsumo (cubic meter) na hihigit/lalampas sa unang dalawampung metro kubiko.

PANGKAT 82. Ang kabayaran sa konsumo o nagamit na tubig ng mga kabahayan, tirahan at establisimyento na mayroon nang water pump bago pa mapagtibay ang ordinansang ito, subalit walang lugar na mapaglalagyan ng sump tank ay magbabayad ng halagang Limampung Piso (Php50.00) sa unang dalawampung metro kubikong nagamit/nakonsumo na tubig bawat buwan at karagdagang Pitong Piso (Php7.00) sa bawat metro kubikong konsumo (cubic meter) na hihigit/lalampas sa unang dalawampung metro kubiko.

PANGKAT 83. Ang mga kabahayan, tirahan at establisimyento na mayroon ng datihang nakakabit/nakalagay na water pump/motor pump bago pa man napagtibay ang ordinansang ito, na nasa mataas na lugar/puwesto, na gustuhin man o kahit na maglagay/magpagawa ng sump tank at hindi epektibo o makakatulong sa maayos na daloy ng tubig sa kanilang lugar ay pahihintulutan pa rin, na ang magiging kabayaran sa nagamit/nakonsumong tubig ay Tatlumpu at Limang Piso (Php35.00) sa unang dalawampung metro kubiko (1st 20 cubic meter) bawat buwan at karagdagang Limang Piso (Php5.00) bawat metro kubikong konsumo na hihigit/lalampas sa unang dalawampung metro kubiko.

ALITUNTUNIN III
Katungkulan ng Tanggapan ng Padaluyang Tubig na nauukol sa mga kabahayan, tirahan at establisimyento na mayroon ng nakakabit na motor pump/water pump at sa mga bago pa lamang nagnanais na magpalagay/magpakabit ng water pump.

PANGKAT 84. Ang mga kabahayan, tirahan at establisimyento na mayroon nang water pump na nakakabit sa kanilang tinitirhan o tinutuluyan ay bibisitahin ng Tanggapan ng Padaluyang Tubig, upang tingnan at malaman, kung mayroong lugar na mapaglalagyan at mapagtatayuan ng sump tank para mapangalagaan ang water pump (motor pump) at para sa maayos na daloy ng tubig sa kanilang bahay/tirahan at pag-aaring establisimyento.

PANGKAT 85. Inaatasan at kinakailangan na alamin ng Tanggapan ng Padaluyang Tubig, sa pamamagitan ng pagbisita at pagpunta sa mga lugar ng mga kabahayan, tirahan at establisimyento na bago pa lamang nagnanais magpakabit/magpalagay ng water pump, kung mayroong lugar/pwesto sa kanilang tinitirahan o tinutuluyan na mapaglalagyan ng sump tank bago pa man mabigyan ng kaukulang permiso o pahintulot.

ALITUNTUNIN IV
Alituntunin na nauukol sa mga kabahayan, tirahan at establisimyento na nagpalagay/nagpakabit ng motor pump/water pump sa kanilang pag-aaring lugar o tirahan na walang kaukulang pahintulot at pagpapatala mula sa Tanggapan ng Padaluyang Tubig.

PANGKAT 86. Ipinagbabawal sa sinumang tao (may-ari o naninirahan) sa mga kabahayan, tirahan o establisimyento ang magpakabit/magpalagay ng water pump/motor pump, na hindi muna nakikipag-ugnayan sa Tanggapan ng Padaluyang Tubig at hindi pa nabibisita o napupuntahan ng tauhan/empleyado ng nasabing tanggapan upang malaman kung puwede/kwalipikado silang magpalagay/magpakabit ng water pump, na kinakailangan at basehan para sa pagkuha ng kaukulang pahintulot o permiso (permit) upang makapaglagay o makabitan ng nasabing motor/water pump, at kung mayroong lugar o pwesto na mapaglalagyan ng sump tank at matapos na makatugon sa mga nasasaad sa ordinansa sa nasasakupan ng bayang ito.

ALITUNTUNIN V
Patakaran para sa mga tubero o sinumang tao na may kaalaman at kakayahan sa paggawa/pagkakabit o pag-iinstula ng tubong padaluyan ng tubig na gumagawa, naglalagay at nagkakabit ng water pump/motor pump sa mga kabahayan, tirahan at establisimyento ng walang kaukulang pahintulot o permiso (permit) ang may-ari o naninirahan mula sa Tanggapan ng Padaluyang Tubig.

PANGKAT 87. Ipinag-uutos sa sinumang tubero (empleyado man o hindi ng Pamahalaang Bayan) at sa sinumang tao na may kaalaman sa pagkakabit/pag-iinstula ng tubo ng Padaluyan na alamin muna, mula sa mga may-ari o naninirahan sa mga kabahayan, tirahan at establisimyento na nagnanais magpalagay/magpakabit ng water pump/motor pump, kung sila (may-ari o naninirahan) ay nakipag-ugnayan at mayroon nang kaukulang pahintulot o permiso (permit) mula sa Tanggapan ng Padaluyang Tubig at nakasunod sa mga nasasaad sa ordinansa, bago sila (tubero) makapagkabit at makapaglagay ng water/motor pump sa nasabing bahayan o establisimyento.

PANGKAT 88. Mahigpit na ipinagbabawal sa sinumang tubero (empleyado man o hindi ng Pamahalaang Bayan) at sa sinumang tao na mayroong kaalaman/kakayahan sa paggawa, pagkakabit o pag-iinstula ng tubo ng Padaluyang Tubig na gumawa, maglagay/magkabit ng water pump/motor pump sa mga kabahayan, tirahan at establisimyento sa nasasakupan ng bayang ito na walang kaukulang pahintulot/permiso (permit) ang may-ari o naninirahan na makapaglagay o magpakabit ng water/motor pump mula sa Tanggapan ng Padaluyang Tubig.

ALITUNTUNIN VI
Mga Kaparusahan

PANGKAT 89. Ang sinumang may-ari/naninirahan sa mga kabahayan, tirahan at establisimyento na mapatunayang lumabag sa Alituntunin I at II ng ordinansang ito, ay papatawan ng multa o kaparusahan na tulad ng mga sumusunod:
UNANG PAGLABAG– Multang halagang Limang Daang Piso (Php500.00).

IKALAWANG PAGLABAG—Multang halagang Isang Libong Piso (Php 1,000.00) hanggang Isang Libo’t Limang Daang Piso (Php 1,500.00).

IKATLONG PAGLABAG—Multang halagang Isang Libo’t Limang Daang Piso (Php 1,500.00) hanggang Dalawang Libo’t Limang Daang Piso (Php 2,500.00).

PANGKAT 90. Ang sinumang tao na mapatunayang lumabag sa Alituntunin IV at V ng kautusang ito ay papatawan ng kaukulang multa o kaparusahan na gaya ng mga sumusunod:
UNANG PAGLABAG—Multang halagang Isang Libo at Limang Daang Piso (Php1,500.00) o pagkabilanggo ng tatlong (3) araw, o pareho ayon/batay sa ihahatol ng kinauukulang hukuman.

IKALAWANG PAGLABAG—Multang halagang Dalawang Libong Piso (Php2,000.00) o pagkabilanggo ng limang (5) araw, o pareho ayon/batay sa iha–

IKATLONG PAGLABAG—Multang halagang Dalawang Libo at Limang Daang Piso (Php2,500.00) o pagkabilanggo ng pitong (7) araw, o pareho ayon/batay sa ihahatol ng kinauukulang hukuman.

PANGKAT 91. Ang mga may-ari o naninirahan sa mga kabayahan, tirahan at establisimyento na nasasaad sa ordinansang ito, na hindi makabayad sa nagamit/nakonsumong tubig sa itinakdang panahon/palugit ng Pamahalaang Bayan ay papatawan ng Sampung Bahagdan (10%) ng halaga ng nagamit na tubig sa bawa’t buwan at isasama/idadagdag sa babayaran, gaya ng nasasaad sa mga umiiral na ordinansa na ipinatutupad ng Pamahalaang Bayan.

PANGKAT 92. Ang sinumang may-ari o naninirahan sa mga kabahayan, tirahan at establisimyento na nasasakop ng ordinansang ito, na hindi makababayad ng kanilang nakonsumo/nagamit na tubig sa tatlong magkakasunod na buwan sa itinakdang panahon/palugit ng Pamahalaang Bayan ay puputulan ng serbisyo ng Padaluyang Tubig, at maaari lamang maikabit muli ang serbisyo ng Padaluyang Tubig, matapos/makaraang makabayad ng lahat na pagkakautang at ng iba pang mga kabayaran na nasasaad sa umiiral na ordinansa na ipinatutupad ng Pamahalaang Bayan.

KABANATA II
KAUTUSANG BAYAN UKOL SA
KAAYUSAN AT KATAHIMIKAN

SEKSYON 25. PARKING –Dito ay itinatakda ang mga alintuntunin ukol sa trapiko at pagpaparada ng mga sasakyan sa nasasakupan ng bayang ito, gaya ng mga sumusunod:

ALITUNTUNIN I
Mga Takdang Oras, Panahon at Lugar na Maaaring Himpilan

PANGKAT 93. Dito ay ipinagbabawal ang pagpaparada ng lahat ng uri ng mga sasakyan sa anumang oras gaya ng mga sumusunod:

Mga daang pambansa (Daang J. P. Rizal at M.L.Quezon Boulevard o Highway)
Mga daang panlalawigan (Daang J. V. Quesada at Daang F. Sario)
Mga daang pambayan (Mga Daang hindi nabanggit sa titik A at B)

PANGKAT 94. Mula ika-6:00 ng gabi hanggang ika-7:00 ng gabi ay maaaring humimpil o magparada ng sasakyan ng hindi hihigit ng sampung (10) minuto sa isang panig lamang ng daang nabanggit sa itaas nito.

PANGKAT 95. Ang mga tourist bus, container van at delivery van ay sa kahabaan lamang ng M.L.Quezon Boulevard maaaring humimpil. Subalit ang mga nasabing sasakyan ay maaaring humimpil sa tapat ng establisimyento na pagdadalhan sa loob ng hindi hihigit sa dalawampung (20) minuto. Ang lahat ng pangkalakal na sasakyan na magdadala ng kanilang kalakal sa Palengke ay hanggang ika-6:00 ng umaga lamang pinahihintulutang magbaba sa Daang Dolores gawing Kanluran (tabi ng Palengke). Kung lalampas na sa oras, ito ay titigil na sa M. L. Quezon Boulevard.

PANGKAT 96. Ang mga sumusunod na lugar ang itinatakdang mga himpilan ng mga pampasaherong tricycles:

a. Daang J. P. Rizal (sa Paet Sign, sa may Feeder Road Manila East Road, Sitio Casile Brgy. Quinale) – isahang hanay gawing Silangan paharap sa Hilaga, hanggang sampung (10) tricycles lamang.

b. Daang J. P. Rizal (tabi ng sementeryo, Bgy. 4 Quinale) – isahang hanay gawing Kanluran paharap sa Hilaga, hanggang sampung (10) tricycles lamang.

c. Daang J. P. Rizal (sa may Gelorey) gawing Kanluran, paharap sa Timog, tatlong (3) tricycles lamang at limang (5) tricycles (waiting) sa may Aseoche.

d. Daang J. P. Rizal (sa may lumang sabungan, Bgy. 7 Bagumbayan) – isahang hanay, gawing Kanluran paharap sa Timog, hanggang sampung (10) tricycles lamang.

e. Daang Acyatan (kanto ng J.P. Rizal, Bgy. 5 Ilaya del Sur)- isahang hanay gawing Timog paharap sa Kanluran, hanggang anim (6) na tricycles lamang.

f. Daang Dolores (tabi ng palengke) – isahang hanay gawing Kanluran paharap sa Timog, hanggang tatlong (3) tricycle lamang at limang (5) pampasaherong tricycles lamang sa may dating Fish stall.

g. M. L. Quezon Boulevard o Manila East Road (harapan ng Paete National High School, Bgy. 9 Ibaba del Norte) – isahang hanay, gawing Silangan paharap sa Hilaga, hanggang labinlimang (15) tricycles lamang.

h. Kanto ng M. L. Quezon Boulevard o Manila East Road at Daang Pedro Calabig, Brgy 1 Ibaba del Sur – isahang hanay, gawing Timog paharap sa Silangan, hanggang (15) tricycles lamang.

i. Daang J. V. Quesada (Dating Fish Stall)–isahang hanay, gawing Hilaga paharap sa Silangan hanggang apat (4) na tricycles lamang.

PANGKAT 97. Ang mga pampasaherong jeep (BODAP) Via Paete-Sta. Cruz ay maaari lamang humimpil sa itinakdang himpilan sa Transfer Point (Pambayang Basurahan) at sa karatig nito sa Barangay Bagumbayan. Dito manggagaling ang jeep na nakatakdang bumiyahe patungong Sta. Cruz na maghihintay ng mga pasahero sa Plaza Edesan.

PANGKAT 98. Itinatakdang pansamantalang himpilan ng pampasaherong tricycle. Simula ika-11:30 ng umaga hanggang ika-12:00 ng tanghali at mula ika-4:00 ng hapon hanggang ika-5:00 ng hapon, sa Daang M. H. Del Pilar (kanto ng Daang A. Roces) – isahang hanay gawing Hilaga paharap sa Kanluran, hanggang apat (4) na tricycle lamang.

PANGKAT 99. Itinatakda dito ang mga alituntunin ng odd-even sa mga tricycles:

Ang mga tricycles na may mga sumusunod na huling numero ng kanilang Municipal Permit ay hindi makakapamasada sa mga araw na nakasaad dito:

1. Lunes – 1, 2
2. Martes – 3, 4
3. Miyerkules – 5, 6
4. Huwebes – 7, 8
5. Biyernes – 9, 0

Ang Odd-Even Scheme na isinasaad sa itaas nito ay paiiralin mula ika-6:00 ng umaga hanggang ika-6:00 ng gabi.

Ang araw ng Sabado, Linggo at Piyesta Opisyal tulad ng Semana Santa (buong isang linggo), Piyestang Bayan, Todos los Santos, Pasko at Bagong Taon ay malayang mga araw upang makapamasada ang lahat ng tricycle.
Hindi ipatutupad ang Odd-Even Scheme sa mga tricycles sakaling magkaroon ng Emergency Cases, ngunit dapat na patuloy na naka-“lash ang mga ilaw sa oras na nasa ganitong kalalagayan.
Hindi rin ipatutupad ang Odd-Even Scheme sa oras na ang tricycles ay gamit ng pamilya, pasubali na may karatula na Family Service na nakasabit sa harap at likod ng tricycle.

PANGKAT 100. ODD-EVEN PARA SA MGA PAMPASAHERONG JEEP—Ang lahat ng pampasaherong jeep na may rotang Sta. Cruz – Siniloan at vice versa ay hahatiin sa dalawang grupo tulad ng sumusunod:

Ang mga pampasaherong jeep na mayroong Plate na nagtatapos sa odd numbers (Nos. 1/3/5/7/9) ay tatawaging UNANG GRUPO.
Ang mga pampasaherong jeep na mayroong Plate na nagtatapos sa even numbers (Nos. 2/4/6/8/0) ay tatawaging PANGALAWANG GRUPO.
Ang mga pampasaherong jeep na kabilang sa Baybay Operators and Drivers Association of Paete (BODAP) ay tatawaging PANGATLONG GRUPO.

PANGKAT 101. PARA SA UNANG GRUPO.—Ang mga pampasaherong jeep na kabilang sa UNANG GRUPO ay papasok sa J.P. Rizal na sakop ng Barangay Bagumbayan, at tuluy-tuloy ng Daang J.P. Rizal na sakop ng Barangay Quinale at vice versa tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes lamang.

PANGKAT 102. PARA SA PANGALAWANG GRUPO.—Ang mga pampasaherong jeep na kabilang ng PANGALAWANG GRUPO ay papasok sa Daang Manila East Road (Hi-Way) na sakop ng Barangay Bagumbayan, at tuluy-tuloy ng Daang Manila East Road (Hi-Way) na sakop ng Barangay Quinale at vice versa tuwing Martes, Huwebes at Sabado lamang.

PANGKAT 103. PARA SA PANGATLONG GRUPO.—Dito itinatakda ang mga patakaran para sa mga pampasaherong jeep na kabilang sa PANGATLONG GRUPO gaya ng sumusunod:

Lahat ng pampasaherong jeep na manggagaling sa Sta. Cruz ay papasok sa Daang J.P. Rizal hanggang Plaza Edesan, at mula dito ay kakaliwa sa Daang J.V. Quesada at muling kakaliwa sa Daang Dolores, tuloy-tuloy ng Daang F. Sario pabalik ng J.P. Rizal patungong Bagumbayan sa itinakda nilang himpilan sa Eco-Center o Transfer Point.
Sila ay hindi pahihintulutang pumarada sa kahabaan ng Daang F. Sario at Daang J.V. Quesada.
Isa lamang sasakyan ang maaaring humimpil para magsakay ng pasahero sa dakong Kanluran ng Plaza Edesan.

PANGKAT 104. Ang lahat ng pampasaherong jeep na kabilang sa Una at Pangalawang Grupo na pinahihintulutan batay sa Pangkat 8 sa itaas nito, na manggagaling sa Sta. Cruz ay papasok sa Daang J.V. Quesada mula Daang J. P. Rizal at lalabas ng M.L. Quezon Boulevard, kung may pakikipag-ugnayan ang karatig bayan ng Pakil dahil sa kanilang pambayang pagdiriwang o gawain.

PANGKAT 105.Ang lahat ng pampasaherong jeep na kabilang sa Una at Pangalawang Grupo na pinahihintulutan batay sa Pangkat 100 sa itaas nito, na manggagaling sa Siniloan ay papasok sa Daang J.V. Quesada tuloy-tuloy sa Daang F. Sario, mula M.L. Quezon Boulevard at kakanan ng Daang J. P. Rizal patungong Sta. Cruz.

PANGKAT 106. Ang lahat ng pampasaherong jeep na kabilang sa Una at Pangalawang Grupo ay pahihintulutang makapasok sa kahabaan ng Daang J. P. Rizal mula ika-5:00 ng hapon hanggang ika-7:00 ng umaga at tuwing araw ng Linggo lamang.

PANGKAT 107. Ang lahat ng pampasaherong jeep na kabilang sa Una at Pangalawang Grupo ay inaatasang maglagay ng signboard na PAETE- LOOB at PAETE-HIGHWAY sa panahong itinatadhana ng Pangkat 8 sa itaas nito.

ALITUNTUNIN II
Sakayan at Babaan ng mga Pampublikong Sasakyan

PANGKAT 108. Ang lugar babaan at sakayan ng mga pampublikong sasakyan na galing sa Sta. Cruz ay alinman sa kahabaan ng Daang J. P. Rizal. Samantala ang magmumula sa Siniloan ay maaaring magbaba at magsakay sa kahabaan ng Daang J. P. Rizal, maliban mula sa Daang P. Gomez hanggang Daang J. Luna.

PANGKAT 109. Ang mga pampasaherong sasakyan ay maaaring magbaba at magsakay sa alinmang bahagi ng kahabaan ng daang M. L. Quezon Boulevard.

PANGKAT 110. Ipinagbabawal ang paghimpil o pagparada ng sasakyan na hihigit sa dalawampung (20) minuto sa magkabilang panig sa kahabaan ng Daang J. P. Rizal simula sa Daang E. Quesada (Brgy. 7) hanggang Daang Aquino (Brgy. 4) simula ika-6:00 ng umaga hanggang ika-7:00 ng gabi.

ALITUNTUNIN III
Mga lugar himpilan at mga bawal paghimpilan sa panahon ng pambayang pagdiriwang, Semana Santa, Todos los Santos at iba pang kauri nito.

PANGKAT 111. Dito ay binibigyan ang Punong Bayan ng kapangyarihan na magtakda ng alituntunin na nauukol sa mga ruta at lugar na dapat o hindi dapat paghimpilan ng lahat ng uri ng sasakyan sa panahon na mayroong pambayang pagdiriwang, semana santa, todos los santos at iba pang kauri nito sa pamamagitan ng paglalabas ng talatakdaan ng pagpapatupad sa nilolooban ng animnapung (60) araw mula sa pagkapatibay ng Kodigong ito.

ALITUNTUNIN IV
Tourists’ Lane

PANGKAT 112. Ang Daang J.V.Quesada ay isasara at walang anumang uri ng sasakyan ang maaaring pahintulutang pumasok o dumaan sa pagkakataong may mga okasyong ginaganap sa Liwasang Bayan at kung mayroong dumating na mga panauhin, turista (local man o dayuhan) sa ating bayan. Dahil dito, ang Daang F. Sario, Capt. Dans at Aseoche ay pansamantalang magiging dalawang patunguhan.

ALITUNTUNIN V
Mga Daang Isang Patunguhan Lamang

PANGKAT 113. Ang mga sumusunod ay itinatakdang isang patunguhang daan simula ika-6:00 ng umaga hanggang ika-7:00 ng gabi sa lahat ng uri ng sasakyan:

Daang J. V. Quesada (Pakanluran); pakaliwa sa Daang Dolores patungong Capt. C. Dans;
Daang F. Sario (Pasilangan) palabas sa Daang J. P. Rizal;
Mula Daang J.P. Rizal, Daang M. N. Agbada (pakanluran);
Daang Roces pahilaga mula Daang J.V. Quesada patungong Daang M. H. del Pilar;
Daang M.H. Del Pilar pasilangan sa Daang J. P. Rizal;
Daang Adao mula Daang J. P. Rizal (pakanluran);
Daang Cagandahan mula Daang T. Valdellon (pasilangan).

ALITUNTUNIN VI
Multa at kaparusahan

PANGKAT 114. MULTA AT KAPARUSAHAN.—Ang mga multa at kaparusahan sa paglabag sa alinmang itinatadhana sa itaas nito, sakop ang mga talatakdaan ng pagpapatupad na isinagawa ng Punong Bayan, ay ang mga sumusunod:
UNANG PAGLABAG—Multang halagang Isang Libong Piso (Php1,000.00);

IKALAWANG PAGLABAG—Multang halagang Isang Libo at Limang Daang Piso (Php1,500.00);

IKATLONG PAGLABAG—Multang halagang Dalawang Libo at Limang Daang Piso (Php2,500.00), at pagkumpiska ng lisensya ng drayber batay sa ihahatol ng hukuman.

PANGKAT 115. Ang lahat ng multang iginagawad ng ordinansang ito ay babayaran sa Tanggapan ng Ingat-Yaman na may kaukulang resibo (Official Receipt) at mapupunta sa kabang-yaman ng bayan.

SEKSYON 26. PAGTITINDA NG PAGKAIN—Dito itinatakda ang mga alituntunin sa pagtitinda ng isda, gulay, karne at iba pang uri ng pagkain na inilalako sa mga pampubliko at pribadong lugar upang makasiguro ng kalinisan, kalusugan at kaligtasan ng mga mamamayan, gaya ng mga sumusunod:

ALITUNTUNIN I
Kapahintulutan

PANGKAT 116. Ang sinumang tao na nagnanais magtinda ng isda, gulay, karne at iba pang uri ng pagkain sa pampubliko at pribadong lugar ay kailangang kumuha ng pahintulot mula sa Punong-Bayan at Pahintulot sa pagnenegosyo (Business License), sa pamamagitan ng isang aplikasyon ng may-ari o katiwala, kalakip ang mga sumusunod:

a. Para sa nagtitinda sa establisimyento:
1.) Sertipikasyon buhat sa Tanggapan ng Agrikultura (Meat Inspector) na nagsasaad na ang ititindang lahat ng uri ng hilaw na karne ay sa Pambayang Katayan ng Hayop pinapatay. Kinakailangan din ng sertipikasyon mula sa Meat Inspector para sa mga hilaw na karne na nagmula sa ibang bayan;
2.) Sertipikasyon buhat sa MPDC na ang pagtitindahanan ay naaayon sa Zoning Ordinance kung ang ititinda ay hilaw na karne at isda, maliban sa mga lugar na dati ng pinayagan na talipapa;
3.) Sertipikasyon buhat sa Tanggapan ng Pambayang Sanidad na nagsasaad na ang nasabing lugar ay tumutugon sa kaukulang panuntunan sa kalinisan;
4.) Health Clearance ng may-ari o nagtitinda;
5.) Bureau of Fire Protection Clearance;
6.) Electrical Inspection Clearance; at
7.) Barangay Clearance.

b. Para sa mga maglalako o ambulant vendors ng mga hilaw na isda at karne:
1.) Sertipikasyon buhat sa Meat Inspector, Tanggapan ng Agrikultura na ang ititindang lahat ng uri ng hilaw na karne ay nagmula sa Pambayang Katayan ng Hayop. Ang nasabing sertipikasyon ay may bisa lamang na dalawampu’t apat (24) na oras simula nang ito’y maipagkaloob.
2.) Barangay Clearance buhat sa kanilang lugar;
3.) Sanitary Permit; at
4.) Health Certificate ng nagtitinda.

c. Para sa mga maglalako o ambulant vendors ng iba pang uri ng pagkain:
1.) Barangay Clearance buhat sa kanilang lugar;
2.) Sanitary Permit; at
3.)Health Certificate ng nagtitinda.

d. Para sa mga manininda sa Fast Food Lane (Daang Cads):
1.) Lahat ng nakasaad sa itaas nito; at
2.) Kaukulang butaw na itinakda ng Sangguniang Barangay Ilaya Del Norte.

PANGKAT 117. Lahat ng umaangkat ng isda o karne mula sa ibang bayan ay pahihintulutang magtinda sa Pambayang Pamilihan lamang.

ALITUNTUNIN II
Mga Lugar na Bawal Pagtindahan

PANGKAT 118. Walang sinumang tao na pahihintulutan na magtinda ng ano mang uri ng kalakal na permanenteng nakapwesto sa mga sumusunod:

Sa mga bangketa;
Sa mga pampublikong lugar tulad ng kalsada, kalyehon, iskinita, liwasan o plaza, pambayang libingan,
maliban kung may kapahintulutan mula sa Punong-Bayan sa panahon ng pistang bayan, pambayang festival, Todos Los Santos, at araw na dati ng itinakdang tiangge.

PANGKAT 119. MGA ITINAKDANG LUGAR NA MAAARING PAGLAGYAN NG TIANGGE AT ALITUNTUNIN UKOL DITO— a. Ang mga sumusunod ang siyang maaaring paglagyan ng tiangge:
1.) Daang V. Ac-Ac;
2.) Daang Bonifacio;
3.) Daang Agbada.
b Ang sinumang manininda sa tiangge ay kinakailangan ding kumuha ng pahintulot mula sa Punong-Bayan kalakip ang mga sumusunod:
1.) Sanitary Permit;
2.) Health Certificate; at
3.) Barangay Clearance.

c Ang maaari lamang itinda sa tiangge ay dry goods, subalit mahigpit na ipinagbabawal ang pagtitinda ng mga pirated VCD at DVD, at naglalaman ng malaswang panoorin. Ipinagbabawal din ang pagtitinda ng ano mang uri ng pagkain, luto man o hindi.

Alituntunin III
Kaparusahan

PANGKAT 120. Ang sinumang tao na lumabag sa ordinansang ito ay papatawan ng mga sumusunod na kaparusahan:
UNANG PAGLABAG—Multang halagang Isang Libong Piso (Php1,000.00);

IKALAWANG PAGLABAG—Multang halagang Isang Libo at Limang Daang Piso (Php1,500.00) ;

IKATLONG PAGLABAG—Multang halagang Dalawang Libo’t Limang Daang Piso (Php2,500.00) at/o pagkabilanggo ng tatlumpung (30) araw sang-ayon sa ihahatol ng hukuman.

SEKSYON 27. PATAKARAN SA PAGGAMIT NG TRICYCLES, MOTORCYCLES, SCOOTERS, BICYCLES, PEDICABS AT IBA PANG KAURING SASAKYAN.

ALITUNTUNIN I

PANGKAT 121. PATAKARAN SA PAGMAMANEHO NG SCOOTER O MOTORCYCLE.—Ang sinumang nagmamaneho ng motorcycles, scooters, at mga kauri nito ay kailangang:
May lisensiya buhat sa Land Transportation Office (LTO), na may kategoriyang Professional, Non-Professional o Student Permit. sa ilalim ng Restriction 1. Kung ang lisensiya ay “Student Permit”, kailangang may kasamang driver na may Professional License sa oras ng pagmamaneho. Ang sinumang nagmamaneho na may lisensya na may Restriction 1 (motorcycles at tricycles) ay hindi maaaring magmaneho ng pampasaherong sasakyan;
May edad na hindi bababa sa 18 taong gulang;
Tumutupad sa mga requirements ng LTO tulad ng registration, plaka, warning devices, helmet at iba pang nakatakdang alituntunin na nakasaad sa ilalim nito;
Hindi maingay at hindi mausok ang tambutso.
Hanggang isa (1) lamang ang maaaring angkas.
Ang driver ay hindi dapat magmaneho nang lasing, hubad at naka-tsinelas;
Mayroong safety helmet ang nagmamaneho at angkas nito. Ang isusuot na helmet ay hindi dapat takip ang mukha at hindi tinted ang harapan nito upang hindi matakpan ang identity ng nagmamaneho o ang angkas nito.

PANGKAT 122. TAKDANG TULIN:

a. Highway (M.L. Quezon Blvd.) – maximum speed -60 km/hr .
b. Daang J.P.Rizal (Nat’l. Road) – maximum speed – 30 km/hr.
c. Poblasyon (Prov. & Mun. Rd.) – maximum speed – 20 km/hr.

ALITUNTUNIN II
Pagpapahistro ng mga motorcycles/scooters, pedicabs at bicycles

PANGKAT 123. Ang sinumang mamamayan na naninirahan dito at nagmamay-ari/gumagamit ng mga ganitong uri ng sasakyan ay kailangang iparehistro ang naturang sasakyan sa Tanggapan ng Punumbayan:

Upang magkaroon ng malinaw na talaan ng bilang at klase ng mga motorcycles, scooters, bicycles at pedicabs sa buong bayan.
Upang malaman ng mga tagapagpatupad ng batas ang mga nawawala o ninakaw na mga sasakyang tulad nito.

PANGKAT 124. Ang lahat ng mga may-ari/gumagamit ng mga sumusunod na sasakyan ay magpapatala at magbabayad sa Tanggapan ng Pambayang Ingat-Yaman para sa sticker ng halagang tulad ng mga sumusunod taun-taon:

motorcycles/ scooters na rehistrado na sa LTO Motorcycles/ Scooters – Limampung Piso (P50.00)
pedicabs – Tatlumpung Piso (P30.00)
bicycles – Dalawampung Piso (P20.00)

ALITUNTUNIN III
Mga regulasyong nauukol sa mga may-ari/gumagamit ng mga tricycles

PANGKAT 125. REQUIREMENTS—Ang mga may-ari/gumagamit ng mga tricycles (pampasahero) ay kinakailangang kumpleto ang mga requirements katulad ng mga sumusunod:

a. May lehitimong lisensya sa pagmamaneho (Professional Driver’s License) mula sa Land Transportation Office (LTO).

b. Nakatapos ng seminar ukol sa mga alituntunin at regulasyon sa trapiko at iba pang patakaran sa paggamit ng pampasaherong tricycle na ibinibigay ng Municipal Tricycle Franchising and Regulatory Board (MTFRB).

c. Ang pasahero ay dapat hanggang anim (6) lamang sa tamang
upuan.

d. Bawal ang magsakay ng bata na may edad labing dalawang (12) taong gulang pababa sa harapan at likuran ng driver;

e. Bawal ang magsakay ng sinumang pasahero sa harapan, likuran, bubungan ng sidecar;

f. Ipinagbabawal ang malakas na pagpapatugtog lalo na kung gabi.

g. Ang nagmamaneho o driver ay kinakailangang maayos ang kasuotan at hindi nakahubad, nakasando, naka-shorts at naka-tsinelas;

h. Ang ID mula sa MTFRB ay kailangang nakasabit sa loob ng sidecar. Dapat ay nakadikit din sa harapan ng pasahero sa loob ng sidecar ang MTFRB Coding sticker;

i. Kailangang may basurahan na hindi liliit sa isang (1) galon sa loob ng sidecar ang bawat tricycle na pampasahero.

j. Kailangang may nakapaskil na patanto na bawal magsigarilyo sa loob ng sasakyan.

k. Kinakailangang may nakapaskel na bayad sa pamasahe o taripa ng pamasahe sa loob ng tricycle.

ALITUNTUNIN IV
Mga regulasyong nauukol sa mga nagmamay-ari/gumagamit ng bicycles at pedicabs

PANGKAT 126. Dito ay itinatakda ang mga patakaran ukol sa paggamit ng mga bicycles at pedicabs:
Lahat ng bicycles o pedicabs ay dapat mayroong reflector sa likuran; at
Ang lahat ng gumagamit ng bicycles o pedicabs ay hindi dapat nakahubad.

ALITUNTUNIN V
Multa at kaparusahan

PANGKAT 127. Ang sinumang lumabag sa mga kautusang nakasaad sa itaas nito ay papatawan ng kaparusahan tulad ng sumusunod:

UNANG PAGLABAG—Multang halagang Isang Libong Piso (Php1,000.00);

IKALAWANG PAGLABAG—Multang halagang Isang Libo at Limang Daang Piso (Php1,500.00) ;

IKATLONG PAGLABAG—Multang halagang Dalawang Libo’t Limang Daang Piso (Php2,500.00) at/o pagkabilanggo ng tatlumpung (30) araw sang-ayon sa ihahatol ng hukuman.

SEKSYON 28. PATAKARAN SA MGA JUNK SHOP OWNERS AT PANGANGALAKAL NG MGA MENOR DE EDAD—Dito ay itinatakda ang mga patakaran kaugnay sa pamimili at pagbebenta ng mga junks na mga bagay, gamit o kasangkapan tulad ng mga sumusunod:

PANGKAT 128. Ang sinumang tao na nagnanais na magtayo ng junk shop ay kailangang kumuha ng pahintulot mula sa Punong Bayan tulad ng mga sumusunod:

Sertipikasyon buhat sa Tanggapan ng Pambayang Sanidad na nagsasaad na ang nasabing lugar ay tumutugon sa kaukulang panuntunan sa kalinisan;
Health Clearance ng may-ari o nagtitinda;
Bureau of Fire Protection Clearance;
Electrical Inspection Clearance; at
Barangay Clearance.

PANGKAT 129. Ang lahat ng junk shop owners ay kinakailangang maglagay ng karatula na nakasaad ang mga sumusunod:

Pangalan ng negosyo o junk shop;
Pangalan ng may-ari; at
Ang kasalukuyang Mayor’s Permit ay nakalagay sa hayag na lugar sa loob ng nasabing establisimento.

PANGKAT 130. Upang maiwasan ang pamimili ng mga nakaw na kalakal ay inaatasan ang lahat ng junk shop owners na magkaroon ng talaan ng mga nagbibili ng kalakal ng mga sumusunod na impormasyon:

Pangalan, tirahan, edad at telepono ng nagbibili;
Petsa at oras nang bilihan;
Lagda ng nagbili;

Kung ang nagbibili ay hindi ang may-ari ng kalakal ay kinakailangang hingin ng junk shop owner ang sulat na may lagda ng may-ari na pinahihintulutan niya ang pagbibili ng nasabing mga kalakal.

PANGKAT 131. Ang mga kalakal na kailangan ng sulat na may lagda ng may-ari na ipinagbibili ay ang mga sumusunod:

Yero;
Linya ng kuryente;
Tubo, gripo at metro ng tubig;
Iron Grills;
Steel Strainer;
Mga gamit sa kusina;
Piyesa ng ano mang uri ng sasakyan;
Mga bakal gamit sa construction;
LPG tanks;
Home Appliances at iba pang kauri nito.

PANGKAT 132. Ipinagbabawal sa mga junk shop owners na mag-empleyo o gawing mga ahente ang, o mamili ng mga kalakal na nabanggit sa itaas nito mula sa mga menor de edad.

PANGKAT 133. Ipinagbabawal sa mga menor de edad ang pangangalakal, pamumulot at/o pagbebenta ng junk na mga bagay, gamit o kasangkapan. Mahigpit ding ipinagbabawal sa mga magulang o tagapangalaga ng mga kabataang menor de edad na pahintulutan, hikayatin o pilitin na mangalakal, mamulot, mamili at magbenta ng mga junks at maghanapbuhay sa pamamagitan ng pangunguha at pagbebenta ng mga basura.

ALITUNTUNIN II
Multa at Kaparusahan

PANGKAT 134. Ang sinumang lumabag sa kautusang nabanggit sa itaas nito ay papatawan ng kaparusahan na gaya ng sumusunod:

Para sa mga Menor de Edad:
UNANG PAGLABAG–Ipapatawag ang nahuling menor de edad at magulang o tagapangalaga upang paliwanagan, pagsabihan o pangaralan ng Tanggapan ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad (MSWD) o itatalagang kawani ng Tanggapan ng Punong Bayan.

IKALAWANG PAGLABAG–Ang mga mahuhuling menor de edad ay aatasan na magsagawa ng paglilinis at iba pang pagawain sa komunidad (community service) na angkop sa kanilang edad at kakayahan na may pasabi sa kanilang magulang o tagapangalaga. At ang magulang o tagapangalaga ay papatawan ng Limang Daang Piso (Php 500.00).

IKATLONG PAGLABAG–Ang mga kabataang menor de edad na mahuhuli ay ipapaubaya/ililiwat (turn-over) sa pangangalaga ng Tanggapan ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad (MSWD) para sa kanilang kaukulan o nararapat na aksyong legal. At ang mga magulang o tagapangalaga ay papatawan ng multang Isang Libong (Php 1,000.00) Piso.

Para sa mga junk shop owners:
UNANG PAGLABAG—Multang halagang Isang Libong Piso (Php1,000.00);

IKALAWANG PAGLABAG—Multang halagang Isang Libo at Limang Daang Piso (Php1,500.00) ;

IKATLONG PAGLABAG—Multang halagang Dalawang Libo’t Limang Daang Piso (Php2,500.00) at/o pagkabilanggo ng tatlumpung (30) araw sang-ayon sa ihahatol ng hukuman.

SEKSYON 29. ALITUNTUNIN SA PAGGAMIT NG AERATOR –Ang mga alintuntunin sa paggamit ng aerator, ay ang mga sumusunod:

ALITUNTUNIN I
Paglalagay at Paggamit ng “aerator” at linya ng kuryente sa Tindahan ng Isda sa Pamilihang Bayan)

PANGKAT 135. Lahat ng mga manininda ng isda ay inaatasan na maglagay ng aerator at metro ng tubig. Pananagutan ng mga manininda ng isda na panatilihing maayos at nagagamit ang kanilang aerator.

PANGKAT 136. Ang bawat mangingisda ay magkakaroon din ng sariling metro ng kuryente, at pananagutan nila ang bayad sa konsumo nito.

ALITUNTUNIN II
Paglilinis ng Sariling Pwestong Tindahan

PANGKAT 137. Ang lahat ng mga may-ari o manininda sa pamilihang bayan ay kinakailangan sumunod sa panuntunan ng Municipal Public Health and Sanitation Office. Kaugnay dito, ang naturang tanggapan ay inaatasan na magsagawa ng buwanang inspeksyon at magsumite ng ulat tuwing buwanang ugnayan na isinasagawa ng Tanggapan ng Punong Bayan.

PANGKAT 138. Kaugnay ng nakasaad sa itaas nito ay itinatakda din ang mga sumusunod:
a. Kailangang may basurahan ang bawat pwesto. Ang mga basura ay kukolektahin sa oras na itinakda ng Kodigong ito.

b. Hindi pinahihintulutan ang anumang uri ng sagabal sa mga daanan o pasilyo na makakaabala sa mga mamimili.

c. Ang mga magluluto at mag-iinit ng mga pagkain sa food stalls ay kinakailangang siguruhin na hindi ito magiging sanhi ng sunog.

d. Ipinagbabawal din ang pag-aalaga ng mga hayop sa loob ng pamilihan.

e. Ang mga puwesto o anumang bahagi ng pamilihan ay hindi maaaring gamitin bilang tirahan o tulugan. Hindi maaaring gumawa ng mga partisyon, silungan o kubol sa nasasakupan ng pamilihan maliban na ito ay may kapahintulutan mula sa Tanggapan ng Punong-Bayan.

ALITUNTUNIN III
Multa at Kaparusahan

PANGKAT 139. Ang sinumang lumabag sa kautusang nakasaad sa itaas nito ay papatawan ng parusa gaya ng sumusunod:
UNANG PAGLABAG—Multang halagang Limang Daang Piso (Php500.00);

PANGALAWANG PAGLABAG—Multang halagang Isang Libo at Limang Daang Piso (Php 1,500.00);

PANGATLONG PAGLABAG–Multang halagang Dalawang Libo at Limang Daang Piso (Php 2,500.00) at pagbawi ng Mayor’s Permit at pwesto.

SEKSYON 30. ALITUNTUNIN SA MGA BEERHOUSE/VIDEOKE BAR AT IBA PANG BAHAY INUMAN.

PANGKAT 140. Tulad ng iba pang business establishments ang lahat ng beerhouse o videoke bar at iba pang bahay inuman ay nangangailangang may kapahintulutan mula sa Punong-Bayan kalakip ang mga sumusunod:

a. Business Permit;
b. Sertipikasyon buhat sa Tanggapan ng Pambayang Sanidad na nagsasaad na ang nasabing lugar ay tumutugon sa kaukulang panuntunan sa kalinisan;
c. Health Clearance ng may-ari o waiters/ waitresses, entertainer o guest relation personnel;
d. Bureau of Fire Protection Clearance;
e. Electrical Inspection Clearance;
f. NBI Clearance at Police Clearance para sa mga Security guards at bouncer;
g. Police Clearance para sa mga waiters/ waitresses; at
h. Barangay Clearance.

PANGKAT 141. Itinatakda rin dito ang mga patakaran ukol sa operasyon ng mga beerhouse, videoke bar at iba pang bahay inuman gaya ng sumusunod:

a. Kinakailangan na mayroong maliwanag na nakasulat na patanto sa harapan ng establisimento na nagsasaad ng : “BAWAL ANG MENOR DE EDAD, DEADLY WEAPONS, NAKA-SANDO, NAKASHORTS AT/O TSINELAS AT ORAS NG OPERASYON”;
b. May ilaw na maliwanag sa tapat at bukana ng nasabing establisimento;
c. May malinis na kapaligiran;
d. May tagapangalaga ng kapayapaan na nakatala sa Himpilan ng Pulisya at Tanggapan ng Punong Bayan;
e. Kung may Security Guard mula sa ahensiya, kinakailangan na ito ay nakatala sa Himpilan ng Pulisya at Tanggapan ng Punong-Bayan;
f. Ang mga kasangkapang nagbibigay tunog o himig ay kailangang hindi nakabubulahaw o nakagagambala.
g. Hindi na dapat magpapasok ng customer pagdating ng ika-11:00 ng gabi, subalit ang operasyon ay pinapayagan hanggang ika-12:00 ng gabi lamang.

ALITUNITUNIN II
Multa at kaparusahan

PANGKAT 142. Ang sinumang nagmamay-ari o tauhan ng beerhouse, videoke bar at iba pang bahay inuman na lumabag sa itaas nito ay paparusahan gaya ng sumusunod:

UNANG PAGLABAG—Multang halagang Isang Libong Piso (Php1,000.00);

IKALAWANG PAGLABAG—Multang halagang Isang Libo at Limang Daang Piso (P1,500.00) ;

IKATLONG PAGLABAG—Multang halagang Dalawang Libo’t Limang Daang Piso (P2,500.00) at/o pagpapatigil ng operasyon ng nasabing establisimento sa atas ng Punong- Bayan;

KABANATA III
KAUTUSANG BAYAN UKOL SA
KAPALIGIRAN AT KALINISAN

SEKSYON 31. PAGBABAWAL SA PAGPUTOL NG ANUMANG URI NG KAHOY, KAWAYAN AT PUNO NG NIYOG AT PAGTATAKDA NG ALITUNTUNIN UKOL DITO.

ALITUNTUNIN I
Pagpuputol ng mga Punong-kahoy at mga Kauri nito

PANGKAT 143. Ang sinumang tao ay pinagbabawalang pumutol o magpaputol ng anumang uri ng punong-kahoy, kawayan, puno ng niyog at mga kauri nito ng walang pahintulot buhat sa Tanggapan ng Punong- Bayan. Kung ang puputulin ay puno ng niyog ay kinakailagan ang nakasulat na pahintulot mula sa Philippine Coconut Authority (PCA). Batay sa itinatadhana ng batas nasyonal, ang mga punong kahoy na nakasaad sa nasabing batas ay hindi maaaring bigyan ng pahintulot na putulin.

PANGKAT 144. Ang kabayaran ng pahintulot mula sa Punong-Bayan ay ang mga sumusunod:
Para sa lahat ng uri ng punong kahoy: Isang Daang Piso (Php 100.00) bawat puno;
Para sa kawayan: Isang Daang Piso (Php 100.00) para sa bawat sampung (10) puno.

PANGKAT 145. Ang kapahintulutan ng Punong-Bayan ay maibibigay lamang kung ito ay batay sa mga sumusunod:

a.May kaukulang pagsusuri ng taong itatalaga ng Punong- Bayan na ang puputuling punong-kahoy, kawayan, puno ng niyog at kauri nito ay natumba o naputol dulot ng kalamidad o sa alin pa mang kadahilanan na nakasaad sa ilalim nito;
b. May pagpapatunay na kailangan nang putulin ang punong-kahoy dahil ito ay nagiging sagabal sa linya ng kuryente, telepono, cable, at kung ito ay kinakailangan sa Municipal Development Plan;

c.May pagpapatunay na kailangan nang putulin ang kawayan dahil ito ay nakakapinsala sa puno ng Lanzones at iba pang punong-bungang kahoy, o kailangan sa pansariling-gamit;

d.May sipi ng nakasulat napahintulot mula sa Philippine Coconut Authority (PCA) kung ang puputulin ay puno ng niyog.

ALITUNTUNIN III
Pag-uuling

PANGKAT 146. Ang pag-uuling ng anumang uri ng punong-kahoy sa nasasakupan ng bayan ay ipinagbabawal maliban kung ang uulingin ay katulad ng mga sumusunod: bao at bunot ng niyog; balat o busil ng mais; mga tuyong dahon; pinag-ukitan; water lily; at iba pang kauri nito.

ALITUNTUNIN IV
Mga Kagamitang Pamutol

PANGKAT 147. Ang lahat ng kagamitang pamutol tulad ng sumusunod: chainsaw, lagaring kabig at lagaring hilabrasa, ay kailangang nakatala sa Tanggapan ng Punong-Bayan na kasama ang mga sumusunod:
Barangay Clearance;
Pangalan at tahanan ng may-ari;
Bilang at uri ng kagamitang pamutol;
Opisyal na resibo buhat sa Tanggapan ng Ingat-Yaman;

PANGKAT 148. Ang kabayaran sa pagpapatala para sa mga kagamitang pamutol na nabanggit sa itaas nito ay minsan lamang isasagawa, at ito ay ang mga sumusunod:

Chainsaw—Dalawang Daang Piso (Php200.00);
Lagaring Kabig at Lagaring hilabrasa—Isang Daang Piso (Php100.00).

ALITUNTUNIN V
Multa at Kaparusahan

PANGKAT 149. Ang sinuman na lumabag sa patakarang nakasaad sa itaas nito ay papatawan ng mga sumusunod:
Pamumutol ng walang kapahintulutan at hindi nakatala ang gamit pamutol—Multang Dalawang Libo at Limang Daang Piso (Php2,500.00) at/o pagkabilanggo sang-ayon sa pasiya ng hukuman, at pagsamsam sa kagamitang pamutol;
Pamumutol na walang kapahintulutan subalit nakatala ang gamit pamutol o may kapahintulutan subalit hindi nakatala ang gamit pamutol:
UNANG PAGLABAG—Multang halagang Isang Libong Piso (Php1,000.00);

PANGALAWANG PAGLABAG—Multang halagang Dalawang Libong Piso (Php 2,000.00) at pagsamsam sa kagamitang pamutol na maaaring tubusin sa halagang Limang Libong Piso (Php5,000.00) para sa chainsaw; halagang Limang Daang Piso (Php 500.00) para sa Lagaring Hilabrasa; at halagang Dalawang Daan at Limampung Piso (Php250.00) para sa Lagaring Kabig;

PANGATLONG PAGLABAG—Multang halagang Dalawang Libo at Limang Daang Piso (Php2,500.00) at/o pagkabilanggo sang-ayon sa pasiya ng hukuman, at pagsamsam sa kagamitang pamutol na walang tubusan.

PAG-UULING—Multang halagang Dalawang Libo at Limang Daang Piso (Php 2,500.00) at/ o pagkabilanggo sang-ayon sa pasiya ng hukuman, at pagsamsam sa uling at ng sasakyang kinakargahan nito.

PANGKAT 150. Ang lahat ng nasamsam na punong-kahoy, uling, at sasakyan ay ililiwat sa Kagawaran ng Kalikasan at Likas na Yaman (DENR).

SEKSYON 32. BASURA—Dito itinatakda ang mga alintuntunin ukol sa komprehensibo at wastong pamamahala ng basura gaya ng sumusunod:

ALITUNTUNIN I

PANGKAT 151. SAKLAW—Ang lahat ng mga tahanan, komersiyal na establisimento tulad ng mga pagawaan, kainan, tindahan, mga institusyon kagaya ng simbahan, klinika, pampubliko at pribadong paaralan, lugar na pansakahan o kaingin ay sakop ng kautusang ito.

PANGKAT 152. PAGHIHIWA-HIWALAY NG BASURA—Mahigpit na ipinag-uutos ang paghihiwa-hiwalay ng basura sa mga lugar na nakasaad sa itaas nito.

a. Ang mga basurang nabubulok, basurang walang pakinabang, basurang mapapakinabangan at basurang galing sa klinika ay paghihiwa-hiwalayin;
b. Ang mga basurang maibabalik gamit ay ilalagay sa malinis na lagayan;
c. Ang mga basurang walang pakinabang ay ibubukod sa ibang lagayan;
d. Ang mga basurang nabubulok ay bukod din ang paglalagyan;
e. Ang mga basurang mula sa pampubliko at pribadong klinika ay dapat ipunin ng namumuno o tauhan nito at kokolektahin ng Pamahalaang Bayan para ilagak sa lugar na itinakda sa loob ng Pambayang Libingan.
f. Ang pangangasiwa ng mga basurang mula sa pribadong hospital ay responsbilidad ng nagmamay-ari nito.

PANGKAT 153. MGA URI NG BASURA AT PAGLALAGAKAN NITO.

a. Basurang may pakinabang (recycleable)—Mga basurang naibabalik gamit tulad ng plastic, lata, papel, dyaryo, karton, bote/garapa at iba pang basurang maaaring maibalik gamit ay ilalagak sa Material Recovery Facilities (MRF) upang ipagbili;
b. Nabubulok—Mga gulay na pinaghimayan, dahon, sanga, tirang pagkain, tatal, kusot at iba pang tulad nito ay ilalagak sa Composting Plant upang gawing pataba sa lupa;
c. Basurang walang pakinabang—Diaper, sanitary napkins, bulak, sirang sapatos, tsinelas at iba pang uri ng basurang walang pakinabang ay ilalagak sa Sanitary Landfill; at
d. Basurang pang medikal na buhat sa klinika at tahanan—Hiringgilya, medical gloves at iba pang walang pakinabang ay ilalagak sa itinalagang lugar sa Pambayang libingan.

PANGKAT 154. PATAKARAN NG PANGUNGULEKTA NG BASURA.

a. Ang lahat ng Sangguniang Barangay ay magtatalaga ng mangungolekta ng basura ayon sa nakasaad sa itaas nito. Sila ay tatawaging Eco-Aide na may kaukulang Identification Card mula sa Tanggapan ng Punong-Bayan;
b. Ang makokolektang basura ay pansamantalang ilalagak sa Pick-up point ng bawat barangay at ito ay kokolektahin naman ng Pamahalaang Bayan upang ilagak sa Pambayang Sanitary Landfill;
c. Ang kokolektahin lamang ng mga Eco-Aide ay ang mga basurang hiwahiwalay sang-ayon sa itinakda sa itaas nito. Dito ay mahigpit na ipinaiiral ang “NO SEGREGATION, NO COLLECTION POLICY”.

PANGKAT 155. Ang lahat ng pick-up point ng barangay ay kinakailangang nakatikop ng lambat, siit, o anumang materyales upang hindi nakakalat at palagiang maayos ang mga nakasakong basura.

PANGKAT 156. ARAW AT ORAS NG PAGLALABAS AT PANGONGOLEKTA NG BASURA.

a. Eco-Aide ng Barangay
Basurang Nabubulok: Ilalabas at kokolektahin araw- araw hanggang alas-9:00 ng umaga.
Basurang walang pakinabang: Martes at Huwebes, anumang oras.
Basurang may pakinabang: Sabado, anumang oras.
Ipinagbabawal ang paglalabas ng basurang nabubulok pagkalampas ng ika-9:00 ng umaga. Ang maglabas ng basura paglampas ng nasabing oras ay papatawan ng multa na itinakda ukol dito.

b. Municipal Utility:
1st Trip: 10:00 am sa lahat ng pick-up point ng Barangay;
2nd Trip: 1:00 pm sa lahat ng pick-up Point ng mga Barangay;
3rd Trip: Optional

PANGKAT 157. Ang halaga ng butaw na Tatlumpung Piso (Php30.00) bawat buwan sa bawat tahanan ay kokolektahin ng Ingat-Yaman ng Barangay sa panahong itatakda ng bawat Sangguniang Barangay.

Ang butaw naman sa mga may establisimyento ay itatakda din ng kinauukulang Sangguniang Barangay.

Ang butaw ng establisimyento ay mas mataas ang butaw o bayad kaysa sa residensiyal.

ALITUNTUNIN II
Paglalaan ng Pondo para sa Lalagyan ng Paghihiwahiwalaying Basura

PANGKAT 158. Ang Pamahalaang Bayan ay maglalaan ng kaukulang pondo mula sa 20% Development Fund para sa pagbili ng lalagyan ng paghihiwa-hiwalaying basura ng isang beses lamang. Ang pagbili ng mga susunod na lalagyan ay pananagutan na ng bawat tahanan, institusyon at establisimento.

ALITUNTUNIN III
Mga Gawain para sa Epektibong Pagpapatupad ng Kalinisan at Kaayusan

PANGKAT 159. Dito ay itinatalaga ang Lupon ng Maganda, Malinis at Luntiang Paete (MMLP) na bubuuin ng mga sumusunod:

a. Tagapangulo—Tagapangulo ng Lupon ng Kalinisan sa Sangguniang Bayan.
b. Mga Kasapi—Municipal Health Officer,
Pambayang Sanidad,
Hepe ng Pulisya o Kinatawan,
Local Government Operation Officer (DILG),
Tagapangulo ng Lupon ng Kapaligiran at Likas na Yaman ng Sangguniang Bayan, at
Kinatawan ng NGO.

PANGKAT 160. Ang MMLP ay magsasagawa ng buwanang pagbisita sa lahat ng barangay para maisiguro ang kaayusan at kalinisan ng bawat barangay. Ito ay magsusumite ng ulat at rekomendasyon sa Punong- Bayan sang-ayon sa kanilang itinakdang panuntunan upang mapagbatayan sa pagbibigay ng buwanang pabuya at insentibo sa pinakamalinis at maayos na barangay na nagkakahalaga gaya ng mga sumusunod:

Isang Libong Piso (Php 1,000.00) para sa unang pwesto,
Pitong Daang Piso (Php700.00) para sa pangalawang pwesto at
Limang Daang Piso (Php500.00) para sa ikatlong pwesto.

Sa pagtatapos ng bawat taon, pipili ng tatlong barangay na may pinakamataas na grado na pagkakalooban ng sumusunod na halaga bilang insentibo/gantimpala:

Tatlong Libong Piso (Php3,000.00) at tropeyo para sa unang pwesto, Dalawang Libong Piso (Php2,000.00)at tropeyo para sa ikalawang pwesto, at
Isang Libong Piso (Php1,000.00) at tropeyo para sa pangatlong pwesto. Ang iba pang mga barangay ay bibigyan ng plake ng pagkilala.

Ang salaping gagamitin dito ay magmumula sa taunang pondo ng 20% Development Fund.

PANGKAT 161. Ang MMLP ay tutulungan sa pagganap sa tungkulin sa itaas nito ng Task Force Kalinisan na itatalaga ng Punong-Bayan.

PANGKAT 162. Ang paglilinis ng tapat ng bawat tahanan, institusyon at establisimento ay responsibilidad at pananagutan ng nagmamay-ari o taga-pamahala nito.

PANGKAT 163. Itinatagubilin sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan ang pagpapatugtog ng Kalinisan Jingle ng Pamahalaang Bayan. Ang pagpapatugtog ng Kalinisan Jingle sa mga paaralan ay magsisimula sa unang oras ng pagbubukas ng paaralan habang naghihintay ng pagtunog ng kampana o anumang hudyat para sa pasimula ng Seremonya ng Pagtataas ng Watawat, at sa mga iba pang programa ng paaralan. Ang titik ng Kalinisan Jingle ay ang sumusunod:

KALINISAN JINGLE

BAYAN, MAGLINIS NA TAYONG TANAN,
BASURA AY ATIN NANG ISIMPAN,
PANGALAGAAN NATIN, ITONG ATING KALIKASAN
LALO NA ANG ATING KALUSUGAN…
ANG MAGKALAT AY ATIN NG IWASAN
HWAG NAMAN SA ILOG AT SA ATING BAMBANG
UPANG SAKIT AY MAIWASAN.

CHORUS:
ANG MGA ASO AY ‘WAG PAALPASAN
UPANG MAIWASAN DUMI SA LANSANGAN,
ANG BAYANG MALINIS AY MAY KAUNLARAN,
MALUSOG ANG MGA TAONG MAKAKALIKASAN,

(REPEAT I)
H’WAG NAMAN SA ILOG AT SA ATING BAMBANG
UPANG SAKIT AY MAIWASAN

ALITUNTUNIN IV
Anti-littering

PANGKAT 164. Ipinagbabawal sa sinuman ang pagtatapon sa lahat ng lansangan, bambang, ilog o pampublikong lugar ng ano mang uri ng basura kasama na rito ang upos ng sigarilyo, balat ng candy, balat ng anumang prutas, plastic, stick (tuhugan ng anumang kakanin).

ALITUNTUNIN V
Multa at Kaparusahan

PANGKAT 165. Ang sinumang lumabag sa kautusang nakasaad dito ay papatawan ng mga sumusunod:

a. Para sa mga tahanan at institusyon o establisimento na hindi naghiwa-hiwalay at naglabas ng basura lampas sa itinakdang oras sa itaas nito ng multang Limang Daang Piso (Php500.00) sa bawat paglabag;
b. Para sa mga Eco-Aide na hindi tumupad sa kanyang tungkulin at/o nangolekta ng basurang hindi hiwa-hiwalay:

UNANG PAGLABAG—Suspensyon na hindi lalampas ng isang (1) linggo at walang sweldo habang suspendido ayon sa pasiya ng Punong-Barangay na may pagsang-ayon ng Sangguniang Barangay.

PANGALAWANG PAGLABAG—Suspensyon na mahigit sa isang linggo subalit hindi lalampas ng isang buwan at walang sweldo habang suspendido ayon sa pasiya ng Punong-Barangay na may pagsang-ayon ng Sangguniang Barangay.

PANGATLONG PAGLABAG—Pagkatanggal sa trabaho na ipatutupad ng Punong-Barangay.

c.Para sa Municipal Utility na hindi tumupad sa kanyang tungkulin at/o nangolekta mula sa pick-up point ng mga basurang hindi hiwa-hiwalayan:

UNANG PAGLABAG—Suspensyon na isang buwan at walang sweldo habang suspendido.

PANGALAWANG PAGLABAG—Suspensyon na mahigit sa isang buwan hanggang anim na buwan at walang sweldo habang suspendido.

PANGATLONG PAGLABAG—Pagkatanggal sa trabaho.

Kaugnay dito ay itinatalaga ang driver ng Pambayang Truck ng basura bilang team leader na siyang may pangunahing responsibilidad at pananagutan sa pagpapatupad ng mga gawain ng Municipal Utility.

d. Kawani ng Sangguniang Barangay:

UNANG PAGLABAG—Suspensyon na hindi lalampas ng isang (1) linggo at walang sweldo habang suspendido ayon sa pasiya ng Punong- Barangay na may pagsang-ayon ng Sangguniang Barangay.

PANGALAWANG PAGLABAG—Suspensyon na mahigit sa isang linggo subalit hindi lalampas ng isang buwan at walang sweldo habang suspendido ayon sa pasiya ng Punong-Barangay na may pagsang-ayon ng Sangguniang Barangay.

PANGATLONG PAGLABAG—Pagkatanggal sa trabaho na ipatutupad ng Punong-Barangay.

e. Para sa lumabag sa Pangkat 13 ng kautusang ito:

UNANG PAGLABAG—Multang halagang Isang Libong Piso (Php1,000.00);

IKALAWANG PAGLABAG—Multang halagang Isang Libo at Limang Daang Piso (Php1,500.00);

IKATLONG PAGLABAG—Multang halagang Dalawang Libo’t Limang Daang Piso (Php 2,500.00).

SEKSYON 33. PATAKARAN SA PAGGAMIT NG PLASTIC, PLASTIC CUPS, PLASTIC SPOONS, PLASTIC FORKS, AT STYROFOAM—Dito ay itinatakda ang mga regulasyon sa paggamit ng mga plastic bags, plastic cellophane, plastic cups, plastic spoons, plastic forks, at lahat ng uri ng Styrofoam.

ALITUNTUNIN I
Mga Saklaw

PANGKAT 166. Ang lahat ng tao na nagtitinda at nagmamay-ari ng mga establisimento tulad ng supermarkets, bakeries, palengke, groceries, tindahan, mga naglalako (ambulant vendors), tahian, handicraft stores, pansiteriya, kainan, catering services at iba pang kauri ng mga ito, at lahat ng mamimili ay sakop ng kautusang ito. Ang mga tao o establisimento na gumagamit ng styrofoam para sa handicraft ay hindi sakop nito.

ALITUNTUNIN II
Patakarang Nauukol sa Paggamit ng Plastic at Styrofoam

PANGKAT 167. Ang lahat ng tao at establisimyento na nakasaad sa Pangkat 1 at ang lahat ng mamimili ay pinagbabawalan na gumamit ng plastic bag o sando plastic bag, plastic cups, plastic spoons, plastic forks, at styrofoam bilang lalagyan ng kanilang mga produktong ipinagbili o binili. Hindi sakop ng kautusang ito ang mga plastic na gamit sa paggawa ng yelo, ice candy, original packaging material ng bakery products, noodles, at iba pang mga produkto na nakalagay sa original plastic packaging material na mula sa manufacturer, at styrofoam na ginagamit sa handicraft.

PANGKAT 168. Ang lahat ng establisimyento na nakasaad sa Pangkat 1 ay kinakailangang maglagay ng patantong nakasulat sa mga lugar na kanilang nasasakupan na madaling mabasa ng mga mamimili na nakasaad na pinagbabawal ang paggamit ng lahat ng uri ng mga plastic na nabanggit sa itaas nito.

PANGKAT 169. Ang pagpapatupad ng pagbabawal sa paggamit ng plastic, plastic cups, plastic spoons, plastic forks at styrofoam ay magkakabisa pagkatapos ng anim (6) na buwan matapos mapagtibay ang Kodigong ito.

ALITUNTUNIN III
Multa at kaparusahan

PANGKAT 170. Ang sinumang tao na lumabag ay papatawan ng mga kaparusahang tulad ng sumusunod:
UNANG PAGLABAG – Multang halagang Limang Daang Piso (Php500.00);

PANGALAWANG PAGLABAG – Multang halagang Isang Libo at Limang Daang Piso (Php1,500.00);

PANGATLONG PAGLABAG – Multang halagang Dalawang Libo at Limang Daang Piso (Php2,500.00) at/o pitong (7) araw na pagkakakulong. At maaari ding bawiin ng Punong-Bayan ang pahintulot sa pagnenegosyo (mayor’s permit) o ipasara ang nasabing establisimyento na lumabag sa kautusang nabanggit sa itaas.

SEKSYON 34. DANGER ZONE ORDINANCE—Dito ay ipininagbabawal ang pagtatayo ng tahanan o ano mang uri ng sa mga danger zone tulad ng mga sumusunod: tabing lawa, tabi ng M.L.Quezon Boulevard at matatarik na lugar. Ang danger zone na dito ay isinasaad ay ang distansyang labing limang metro (15 meters) mula sa gitna ng M.L.Quezon Boulevard (Manila East Road), magkabila.

ALITUNTUNIN I
Matatarik na Lugar (Slope Area)

PANGKAT 171. Ang mga matatarik na lugar (slope area) ay ang mga sumusunod:

Bahagi ng Sitio San Isidro at Ulinig na sakop ng Barangay 7 Bagumbayan,
Sitio San Isidro na sakop ng Barangay 6 Ilaya del Norte,
Sitio Sta. Ana na sakop ng Barangay 5 Ilaya del Sur,
Bahagi ng Sitio Sta. Ana na sakop ng Barangay 3 Ermita, at
e. Bahagi ng Sitio Macumbo na sakop ng Barangay 4 Quinale.
f. Mga lugar na nasasaad sa Geo-hazard map na mula sa Kagawaran ng Likas na Yaman at Kapaligiran na hindi salungat sa mga lugar na nabanggit sa itaas nito.

ALITUNTUNIN II
Lupang Kanduli (12.5 meters elevation) Batay sa Batas Nasyonal

PANGKAT 172. Ipinagbabawal ang pagtatayo ng tahanan o establisimento sa nasasakupan ng Lupang Kanduli, maliban sa dati nang nakatayong tahanan o establisimento na may titulo na bago pa sumapit ang taong 1975 batay sa batas nasyonal. Ipinagbabawal din ang pagtatayo ng tahanan sa nasabing tituladong lupa kung ito ay gawa sa light materials at labag sa panuntunan sa Laguna Lake Development Authority.

ALITUNTUNIN III
Patunay mula sa Pambayang Inhinyero at Punong-Barangay na ang lugar ay angkop na pagtayuan ng tahanan o establisimyento.

PANGKAT 173. Walang sinuman ang pahihintulutan magtayo ng tahanan o ano mang uri ng establisimyento sa lahat ng mga lugar na nakasaad sa itaas nito, may titulo man o wala, na may patunay ang Punong-Barangay at Pambayang Inhinyero na ang lugar ay hindi angkop na pagtayuan ng tahanan upang maiwasan ang panganib na idudulot ng pagbaha, pagguho ng lupa (landslide) at mga bato, at upang mapangalagaan din ang pinagkukunan ng tubig inumin ng sambayanan.

ALITUNTUNIN IV
Patakaran sa mga nakatayo nang tahanan o establisimyento sa matarik na lugar

PANGKAT 174. Ang lahat na nakatayo nang tahanan sa mga matatarik at mapanganib na lugar, ay kailangang alisin sa loob ng dalawang (2) buwan mula sa pagkatanggap ng abiso mula sa Pambayang Inhinyero kung ang may-ari ng tahanan ay may kakayahang pinansyal sa paglilipat ng tahanan. Kung ang may-ari ng tahanan ay walang kakayahang pinansyal at walang sariling lupang paglilipatan, bibigyan siya ng lugar na paglilipatan o kaya ay pinansyal na tulong na nagkakahalagang Labing Dalawang Libong Piso (Php 12,000.00). Bibigyan din siya ng dalawang (2) buwan na palugit mula sa pagbibigay ng abiso ng Pambayang Inhinyero, tanggapin man o hindi, ang nasabing pinansyal na tulong o relokasyon. Pagkatapos ng dalawang (2) buwang palugit ang kanyang tahanan ay sapilitang ipagigiba ng Pamahalaang Bayan.

SEKSYON 35. FISH SANCTUARY AT ILLEGAL FISHING—Mahigpit na ipinagbabawal ang pamimiwas, panghuhuli at pamamaril sa itinalagang Fish Sanctuary simula Pambayang Katayan ng Hayop (Slaughter House) hanggang sa Wawa Park at sa nalolooban ng limang (5) hektarya na sakop ng Municipal Fishing Waters. Ang limang hektarya ng fish sanctuary ay itatalaga ng Sangguniag Bayan sa rekomendasyon ng Pangkalahatang Samahan ng Magdaragat ng Paete (PSMP).

Mahigpit ding ipinagbabawal ang anumang uri ng illegal fishing sang-ayon sa batas nasyonal.

Ang sinumang lumabag sa kautusang ito ay papatawan ng kaparusahan gaya ng mga sumusunod:
UNANG PAGLABAG—Multang halagang Limang Daang Piso (Php500.00) at pagsamsam ng huling isda at gamit panghuli;

PANGALAWANG PAGLABAG—Multang halagang Isang Libong Piso (Php1,000.00) at pagsamsam sa mga huling isda at gamit panghuli;

PANGATLONG PAGLABAG—Multang hanggang Isang Libo at Limang Daang Piso (Php 1,500.00) at pagsamsam sa mga huling isda at gamit panghuli o pagkabilanggo ng isang (1) linggo o pareho ayon sa ihahatol ng hukuman.

IKAANIM NA TITULO
PAGPAPATUPAD AT IMPLEMENTASYON

SEKSYON 36-
A. PAGPAPALAGANAP NG KAALAMAN UKOL SA, AT PAGPAPATUPAD NG KODIGONG ITO.—Ang Tanggapang ng Punong-Bayan ay magsasagawa ng programa upang malawakang maipatupad ang Kodigong ito at ang lahat ng Kautusang Bayan na dito ay bahagi, at upang gisingin at buksan ang kaisipan ng lahat ng mamamayan sa kahalagahan nito, sa pamamagitan ng pagkakaroon ng regular na talakayan sa mga barangay, paaralan, sa radio o paglalathala sa Pahayagang Bayan.

B. PAGLALAAN NG PONDO. Kaugnay dito, ang Pamahalaang Bayan ay maglalaan ng kaukulang pondo upang epektibong maipalaganap at maipatupad ang Kodigong ito.

SEKSYON 37. PABUYA AT INSENTIBO.—Magsasagawa rin ng programa ang Punong-Bayan at maglalaan ng pondo ang Pamahalaang Bayan upang mabigyan ng pabuya at insentibo ang mga mamamayan, barangay, paaralan, samahan o grupo na naging masigasig sa pagpapatupad ng Kodigong ito at mga Kautusang Bayan na bahagi nito.

IKAPITONG TITULO
KAPARUSAHAN, PAGPAPAWALANG-BISA, PAGHIHIWALAY AT PAGKAKABISA

KABANATA I
KAPARUSAHAN

SEKSYON 38. KAPARUSAHAN. –Ang sinumang tao na lumabag sa alinmang probisyon ng Kodigong ito ay papatawan ng kaparusahang –nakatakda sa bawat kautusang nakasaad sa itaas nito.

Ang sinumang Opisyal at Kawani na may katungkulang magpatupad ng Kautusang Bayan na nakasaad sa itaas nito na hindi tumupad ng kanilang tungkulin ay sasampahan ng kasong administratibo sa rekomendasyon ng Lupon ng Responsableng Magulang at Mamamayan, sa nararapat na tanggapan ng Pamahalaan.

Kaugnay dito ay kinikilala at pinagtitibay ang Lupon ng Responsableng Magulang at Mamamayan na binuo ng Punong- Bayan na ang kasapi ay ang mga sumusunod:
Tagapangulo—Punong Bayan,
Kalihim—Pinuno ng Tanggapan ng MSWD,
Mga Kasapi—Municipal Civil Registrar Officer,
Municipal Health Officer,
Representative from the DOH,
Sanggunian Bayan Chairman on Good Governance,
Chief of Police,
Association of Barangay Council President,
District Supervisor of DEPED,
Four (4) Guidance Counselors of Public School,
Two (2) Representatives from Private School,
Three (3) Representatives from NGOs,
Representative from Iglesia Filipina Independiente Church (Aglipayan),
Representative from Roman Catholic Church,
Representative from Association of Evangelical Churches of Paete,
Chairman Senior Citizen’s Affair,
Sangguniang Kabataan President,
PTA Federation President.

KABANATA II
SUGNAY NG PAGPAPAWALANG-BISA AT PAGHIHIWALAY

SEKSYON 39. PAGPAPAWALANG-BISA—Ang anumang naunang mga Kautusang Bayan, alituntunin o patakaran na taliwas sa itinatadhana ng Kodigong ito ay pinawawalang bisa o pinawawalang saysay.

SEKSYON 40. PAGHIHIWALAY–Kung ang alinmang probisyon o tadhana ng Kodigong ito ay mapatunayang labag sa umiiral na batas ng Republika ng Pilipinas, ang mga iba pang probisyon o tadhana nito na hindi labag sa nasabing mga batas ay mananatiling may bisa.

SEKSYON 41. MGA UMIIRAL NA KAUTUSANG BAYAN NA HINDI NAKASAAD SA KODIGONG ITO—Lahat ng umiiral na Kautusang Bayan na hindi nakasaad sa Kodigong ito ay may bisa at patuloy na ipatutupad.

KABANATA III
PAGKAKABISA

SEKSYON 42. PAGKAKABISA.—Ang Kodigong ito ay magkakabisa matapos mapagtibay at pagkatapos ng tatlumpung (30) araw mula sa pagkalathala sa Pahayagang Bayan o alinmang pahayagan na may sirkulasyon sa lalawigan ng Laguna.

PINAGTIBAY: Hulyo 16, 2012

%d bloggers like this: